HARD TALK
ni Pilar Mateo
SA private screening ng Virgin Forest ko nakita ang matagal-tagal ding nagpahinga sa eksena na si Joed Serrano. Ang dating singer at aktor na produkto ng That’s Entertainment ni German Moreno. Na kalaunan ay sinalangan na ang mundo ng pagpo-produce. Locally and internationally.
He was invited by the direk Brillante Mendoza sa naturang screening ng Vivamax movie na may world premiere na ng June 24, 2022.
May business talk sila. Kasi?
Ima-mount na ni Joed very soon through his Godfather Productions ang Godfather Film Festival. Dubbing it as The Mafia Collection.
Nasa line-up ang matitinding proyekto.
Ang Kontrabida ng ating National Artist at Superstar na si Nora Aunor; Matinee Idol ni Charles Nathan; The Door ni Ate Gay; Burlesk; A Ninong’s Love; Mr. Grinder; Pandesal; The Gambler’s Life; at ang The Loves, The Miracles and The Life of Joed Serrano. Isa ang under negotiations na pagbibidahan nina Alex Gonzaga at ang pinaka-bagong vlogger at Tiktoker na si Small Laude.
Karamihan ay tapos na. Ang iba ay in the middle of their shoot. At may sisimulan na.
“Ang mga de-kalibreng directors natin eh, of course sina Brillante Mendoza, Joel Lamangan, Adolf Alix, Louie Ignacio and sana Cathy Garcia Molina. Confirmed naman na halos lahat.”
And on the concert scene, yes naman. Justin Bieber is coming to town! Sa October 29, 2022 na ito sa CCP Grounds.
‘Yan na lang muna for the now. At magiging abala na siya sa pag-aasikaso ng idaraos na film festival very soon!