Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Diaz Liza Soberano

Ogie na-shock sa ina ng 3 buwang anak: Alagaan mo siya at gawing Liza

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

TAWANG-TAWA kami sa ikinuwento ni Ogie Diaz noong Miyerkoles ng gabi nang makahuntahan namin ito at kulitin ukol sa umalis na alagang si Liza Soberano. Naikuwento ni Ogie na bagamat umalis sa kanya si Liza maraming mga magulang ang nagpupunta sa kanya para ang kanilang mga anak ay gawing tulad ni Liza. 

Ang Nakakalurkey. May dinala sa kanyang 3 mos old na baby at sinabing gawing ‘Liza Soberano’. O ‘di ba naman? Kaya hagalpakan kami sa katatawa. Jusme eh dinala sa kanya si Liza 12-anyos na.

It only shows kung gaano ka-effective na manager si Ogie kaya kahit nawala sa kanya si Liza eh, marami pa rin ang nagtitiwala na mapasisikat niya ang mga dinadala sa kanya para alagaan.

Ukol naman sa paglipat ni Liza kay James Reid, wala namang sama ng loob si Ogie  sa dating alaga maging sa bagong manager ng dalaga. 

Esplika ni Ogie, nagpaalam nang maayos sa kanya si Liza kaya hangad niya na magtagumpay ito sa inaasam na Hollywood career.

Natanong si Ogie kung kinausap ba siya ni James sa paglipat ni Liza sa kanya. Ang naging tugon ng komedyante/vlogger ay hindi. Pero okey lang iyon sa kanya at walang problema iyon.

Katwiran niya, mas magkakaroon ng problema kung close niya si James at hindi man lang siya kinausap.

“Okay lang. Siyempre, nasa tao naman ‘yun kung gustong magpaalam. Kung hindi, wala rin namang problema. Walang kaso sa akin,” ani Ogie.

Sinabi pa ni Ogie na okey naman si James at matagal nang magkakaibigan ang apat— James at Liza kasama sina Nadine Lustre at Enrique Gil.

Kaya nga ‘yung nag-uugnay kina Liza at James iginiit ni Ogie na napaka-imposible dahil bukod sa matagal nang magkaibigan ang dalawa, sina Liza at Enrique pa rin. Walang katotohanan na nag-break na ang dalawa.

Sinabi pa ni Ogie na hindi ganoong klaseng babae si Liza na kaagad pumapatol sa lalaki.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …