HATAWAN
ni Ed de Leon
EWAN, pero siguro mali naman iyong sinasabi nila na ang nagdadala ng popularidad ng KathNiel sa ngayon ay si Kathryn Bernardo. Ang basehan naman ng mga nagsasabi niyan ay ang dalawang pelikula ni Kathryn na halos kumita ng isang bilyon bawat isa, bago nagkaroon ng pandemya.
Samantalang sinasabi nila na ang huling pelikula ni Daniel Padilla, na kasama pa si Charo Santos noong nakaraang MMFF ay nangamote sa takilya. Pero bakit naman si Daniel ang sisisihin? May pelikula bang indie na kumita talaga? Inaasahan ba nilang magiging top grosser ang pelikulang iyon ni Daniel?
Pero kung titingnan ninyo sa social media, mas maraming fan posts tungkol kay Daniel kaysa kay Kathryn. Ibig sabihin matindi pa rin ang popularidad niya sa fans at hindi masasabing bitbit lang siya sa popularidad ni Kathryn.