Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Samantha Lopez

Samantha ‘di kayang mang-api ng kapwa

RATED R
ni Rommel Gonzales

GUMAGANAP si Samantha Lopez sa First Lady bilang si Ambrocia Bolivar, isa sa mga kontrabida ni Sanya Lopez kaya natanong ito kung gaano kalapit ang pagkatao niya sa karakter ng dating first lady.

Wala,” at tumawa si Samantha. Salbahe kasi si Ambrosia at si Samantha naman ay hindi.

Pero well sige sa fashion sense niya. At saka sa hairstyle, yes. Pero the way she treats people, ‘yung character niya, ‘yung pagiging sulsulera niya, ‘yung pagiging sunod-sunuran niya na walang sariling pag-iisip, sunod-sunuran lang doon kay Senator Trinidad.

“Kasi malaki ang naitulong sa akin niyong 17 years ko sa New York, naging asawa ko ang isang Warren Edwards, eh.”

Nagkaasawa ng isang Amerikano si Samantha habang nasa New York, at kahit hiwalay na sila ngayon, nanatili silang magkaibigan.

Marami akong natutunan sa kanya, life experiences, wisdom, confidence, self-esteem.

“Nag-start ako bilang hostess, taga-upo ng guest, tagakuha ng reservation, bartender, coat-checker, manager/waitress, lahat ‘yun, lahat ng front sa restaurant, hospitality, lahat ‘yun napagdaanan ko.

“So I know how to treat people.

“Hindi ko naman sinasabing wala akong puso sa nakakababa sa akin noon, pero iba eh, ‘pag nakakasama mo sa trabaho ang mga busboys, mga nagko-coat check, pati drivers iba ang trato ko ngayon.

“‘Pag nasa restaurant ako, iba ang trato ko ngayon sa mga nagsisilbi sa akin. Ultimong nagpa-park sa akin, mga security guard, you know ‘yung mga nagtatrabaho sa road, ‘yung mga construction worker mas ‘yung puso ko sa kanila.    

For me they’re the real heroes.

“Si Ambrosia Bolivar hindi ganyan.”       

Kung mayroon man kahit isang ugali na pareho sina Samantha at Ambrosia, iyon ay ang pagiging loyal.

Loyal si Ambrosia kay Senator Allegra Trinidad na ginagampanan ni Isabel Rivas.

Actually, oo, in a way, tama, tama.”

Gaano ka-loyal si Samantha sa tunay na buhay?

“I am loyal. I don’t know kung paano mo ika-categorize ‘yun, kung anong level niyon, but I am loyal.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …