NAKATAKDANG mag-host ng ikatlong Maritime Dialogue sa susunod na taon ang Filipinas.
Pinaigting ng Filipinas at Australia ang ugnayan para resolbahin ang iba’t ibang maritime issues makaraang dumalo ang mga kinatawan mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa ikalawang Maritime Dialogue na ginawa sa Canberra, Australia.
Kabilang sa mga usaping tinalakay sa dialogo ang isyu ng pangisdaan, maritime domain awareness, marine environmental protection, defense, at maritime science.
Pinangunahan ni DFA Assistant Secretary for Maritime and Ocean Affairs, Maria Angela Ponce ang delegasyon ng Filipinas.
Tinalakay dito ang pagkapanalo ng Filipinas noong 2016 sa International Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands nang ipaglaban ang claim ng bansa sa West Philippine Sea.
Gagawin sa Filipinas bilang host country ang ikatlong Maritime Dialogue sa susunod na taon. (GINA GARCIA)