Wednesday , November 13 2024

Dismissal binaliktad ng korte
ARESTO VS DOC NATY MULING INIUTOS 

062322 Hataw Frontpage

IPINAG-UTOS ng Regional Trial Court ng Bayugan, Agusan del Sur Regional Trial Court ang pagdakip kay Dr. Maria Natividad Castro, kilala rin bilang Doc Naty, matapos baliktarin ang ruling nito noong 22 Marso 2022 na nagdi-dismiss sa kasong kriminal na isinampa laban sa manggagamot.

Unang nadakip si Dr. Castro, isang human rights at public health advocate, noong 18 Pebrero sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention.

Noong Marso, ibinasura ang mga kaso laban kay Dr. Castro sa dalawang dahilan – pagtanggi sa kanyang “substantive right” para sumailalim sa due process at kawalan ng hurisdiksiyon.

Naghain ang mga state prosecutor ng motion for reconsideration upang muling tingnan ng hukuman ang kaso.

Sa order na inilabas ni Executive Judge Ferdinand R. Villanueva noong 16 Hunyo, binaliktad nito ang naunang kautusang may petsang 25 Marso 2022 na nagbabasura sa kaso laban sa doktor.

Sa briefer na inilabas ng Department of Justice (DOJ), binaliktad ang order na inilabas noong Marso dahil nabatid na nabigyan ng due process si Dr. Castro dahil nagsagawa ng preliminary investigation, at mayroon umanong hurisdiksiyon ang korte sa akusado.

Ayon sa hukuman, salungat sa mga pahayag ay nagkaroon ng preliminary investigation bago magsampa ng kaso at naitala ito ngunit hindi nahainan ng summons si Dr. Castro.

“If the accused/respondents cannot be summoned, it does not mean that Preliminary Investigation will be held in abeyance. The rule is clear that the prosecution will resolve the complaint on the basis of the evidence presented,” nakasaad sa bahagi ng court order.

Kinilala rin ng korte ang pahayag ng complainant na miyembro ang doktor ng New People’s Army (NPA).

Bagaman una nang ibinasura ang kaso laban kay Dr. Castro, hindi umano ito double jeopardy na ibig sabihin ay pag-usig ng dalawang beses sa isang tao para sa parehong kaso.

Sa kanilang talaan, hindi pa nasasakdal ang doktor kaya hindi ito masasabing double jeopardy.

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

Rapist ng menor de edad tiklo, 4 pang wanted arestado

NASAKOTE ng mga awtoridad ang lima-kataong pawang pinaghahanap ng batas sa isinagawang manhunt police operations …

arrest, posas, fingerprints

5 miyembro ng Nigerian KFR group timbog, kalahing biktima nasagip

SUNOD-SUNOD na naaresto ng mga awtoridad ang limang Nigerian nationals na sinasabing dumukot sa kapuwa …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

OFW sa Kuwait wagi ng house & lot sa 13th summit

OFW sa Kuwait wagi ng house & lot sa 13th summit

ISANG overseas Filipino worker (OFW) mula sa bansang Kuwait ang nagwagi ng isang brand new …

ASEAN-EU summit

PH Capital Market dapat ihanay sa iba pang mga bansang ASEAN

NAGHAIN si Senador Win Gatchalian ng panukalang batas na naglalayong ihanay ang capital market ng …