NAKALIGTAS ang isang kagawad ng barangay matapos tambangan sa Brgy. Malabon Kaingin, sa bayan ng Jaen, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Lunes ng gabi, 20 Hunyo.
Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Marianito Herminigildo, 63 anyos, residente at kagawad ng nabanggit na barangay.
Nabatid na pauwi si Herminigildo mula sa kanyang bukid sakay ng electric bike nang barilin ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo gamit ang isang kalibre 9mm pistola.
Tinamaan ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng biktima kabilang ang kanyang mukha.
Agad nadala sa lokal na pagamutan si Herminigildo na kasalukuyang nananatili sa intensive care unit.