Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
sanya lopez gabby concepcion

Gabby emosyonal sa pagtatapos ng First Lady

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI maitanggi ni Gabby Concepcion na nakararamdam siya ng separation anxiety o sepanx sa nalalapit na pagtatapos ng hit Kapuso series na First Lady. Inilahad din niya ang kanyang mga plano pagkatapos ng naturang proyekto.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa 24 Oras, sinabing hindi na bago kay Gabby ang nadarama niyang lungkot sa pagtatapos ng series nila ni Sanya Lopez.

Sa pagdalaw ng GMA News kay Gabby sa taping, inilahad ng aktor na mahihirapan ang cast sa kanilang paghihiwa-hiwalay.

“Ito na naman ‘yung feeling ng tinatawag nilang “sepanx,” separation anxiety. Nangyari ito sa akin noon, noong gumawa kami ng teleserye with Carla (Abellana)and sila Jennylyn (Mercado), lahat ng mga nakasama ko sa teleserye. And it’s the last two, three days, talagang nakalulungkot. And we’re already going that direction,” sabi ni Gabby.

Dagdag pa ni Gabby, na gumaganap bilang si President Glenn Acosta sa kuwento, mahirap aniyang malimutan ang pagkabuo ng closeness ng lahat lalo’t halos tatlong taon na niyang nakasama ang cast ng First Lady.

“‘Yung lock-in na tinatawag nila. Roon talaga naging close ‘yung cast, ‘yung mga kasama ko, sa staff, basta lahat ng kasama ko sa paggawa ng ‘First Lady.’”

Samantala, excited ding ibinalita ni Gabby na marami pang dapat abangan na ikagugulat ng viewers ng series.

“Bago magtapos mayroon tayong tatlong guest na papasok, nagulat din ako. Very familiar kayo sa faces nila. And happy din naman kami noong nakita namin na nagte-tape na sila.”

Inilahad ni Gabby ang kaniyang mga plano pagkatapos ng First Lady.

“Hindi ko lang alam kung mag-i-ilang buwan ako sa beach or, dito lang ako sa Pilipinas. But definitely I’m gonna take a vacation, just like everybody. Take a break, time to breathe, plan to relax, time to rejuvenate. Kumbaga sa baterya, kailangan nating mag-recharge,” saad pa niya. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …