Wednesday , April 16 2025

Agri-sector tumagilid,
IMPORTASYON,  NIYAKAP NANG HUSTO NI DAR

062222 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

NIYAKAP nang husto ni Agriculture Secretary William Dar ang ‘special importation’ kaya tumagilid ang sektor ng agrikultura.

Sinabi ito ni Atty. Bong Inciong, pangulo ng United Broilers Raisers Association kasunod ng pagtatalaga ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr., bilang agriculture secretary para matugunan ang krisis sa agrikultura.

Ayon kay Inciong, sa lahat ng naging kalihim ng DA, tanging si Dar lamang ang nagpahintulot na bumaha ang imported na manok sa bansa kahit may oversupply na ng manok kaya nalugi sila at iniasa na lamang ng pamahalaan sa importasyon ang supply ng manok.

“Talagang ‘yung mga nakaraang secretary, paisa-isang commodity lang ang nagkakaproblema… pag sinabing ‘special importation,’ mas mababa sa committed tariff rates natin under the WTO. Ibig sabihin tutulungan mo ‘yung importer para makapagpasok nang mas maliit ang gastos nila… makikinabang ang consumers, mapipilitan maging competitive ‘yung mga producers. Hindi nangyari ‘yan, dalawa’t kalahating dekada na ‘yang doktrina na ‘yan. ‘Yung mga nakaraang secretary, kahit paano lumalaban, nagpapaliwanag sa amin… alam namin ipinaglalaban kami pero itong isang ito (William Dar), niyapos niya nang husto, inakap niya nang husto ‘yung doktrina na ‘yan,” ani Inciong sa programang Sa Totoo Lang sa One PH kagabi.

Giit ni Inciong, ngayon patapos na ang administrasyon ni Dar sa DA ay  “nagdadrama ngayon na neglected ang agriculture, kung ano-ano sinasabi. Pero magmula noong siya ‘yung nanungkulan, puro hangin.

“Si Sec. Dar ho kasi, kitang-kita, bistadong-bistado pinaatras kami, sinabi ‘yan ng mga bata n’ya sa ‘min e di nila kayang pigilin ang WTO, kahit over supply na noong 2020 ang imported na manok,” dagdag niya.

Nagpapanggap umano si Dar na walang magagawa para tulungan ang kanilang sektor kapag sagana sa supply ng manok.

“‘Pag umatras na ang sektor, nagmahal na sa retail, not necessarily sa farm gate, mabilis pa sa alas-kuwatro si Secretary Dar mag-a-advocate ng tariff cut ng special importation. Kaya umatras ang production, at nakaasa ho tayo sa importation ngayon,” paliwanag ni Inciong.

Kahit bumaba aniya ang supply ng manok, wala naman shortage gaya ng naranasan noong 2003 at kaya lamang tumataas ang presyo ng manaok ay sa dahilang marami ang umatras sa pag-aalaga bunsod ng napakabigat na gastusin.

Umaasa aniya ang kanilang grupo na kahit walang karanasan si Marcos, Jr., bilang magsasaka ay matutugunan niya ang mga problema sa DA dahil may karanasan naman siya sa pamamahala noong gobernador pa ng Ilocos Norte.

“‘Yung issue sa department of agriculture hindi ‘yung agriculture per se paano magtanim ng palay, paano mag-alaga ng manok, paano mag-alaga ng baboy, talagang hindi kaya ‘yan ni Pangulong Marcos at wala siyang karanasan diyan pero management ng isang departamento, naging gobernador siya, ang assumption namin giving him the benefit of the doubt kaya n’ya ‘yan dahil tumangan naman siya ng isang lalawigan.”

About Rose Novenario

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …