Sunday , December 22 2024
gun dead

Magtitinapay, itinumba sa QC

PATAY ang isang bakery owner makaraang barilin sa ulo ng hindi kilalang gunman sa Quezon City, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ni P/BGen. Remus Medina, Quezon City Police District (QCPD) Director, ang biktima na si Christopher Reyes Siatan, 39 anyos, may asawa, bakery owner, at residente sa Francisco St., Brgy. Baesa, Quezon Cty.

Sa inisyal na report ng Talipapa Police Station 3 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang 1:45 pm nitong 20 Hunyo, nang maganap ang insidente sa bakery na pag-aari ng biktima sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon nina CMSgt. Edwin Dela Cruz at P/Cpl. Sherwin Rodriguez, abala sa paglilinis sa kusina ng bakery ang asawa ng biktima na si Jenalyn nang makarinig ng isang malakas na putok ng baril.

               Agad siyang lumabas sa tindahan upang alamin kung saan galing ang putok ng baril pero tumambad sa kaniya ang nakabulagta at duguan niyang mister.

               Ayon sa mga nakasaksi sa insidente, isang hindi kilalang lalaki na armado ng ‘di pa batid na kalibre ng baril ang nakitang lumapit sa bakery at matapos paputukan ang biktima ay saka mabilis na tumakas.

Masusing nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa motibo ng pamamaril upang matukoy ang suspek. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …