Friday , November 15 2024
arrest, posas, fingerprints

3 holdaper, nabitag sa Malabon

NASAKOTE ang tatlong hinihinalang mga holdaper sa isinagawang follow-up operation ng pulisya sa Malabon City.

Pinapurihan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ulysses Cruz ang Malabon police sa pamumuno ni P/Col. Albert Barot sa pagkakaaresto sa mga suspek na kinilalang sina Alexis Barbo, 21 anyos, Andrade Lora, Jr., 18 anyos, at Carlcaton Cansino, 21 anyos, pawang residente sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Ayon kay Col. Barot, nagsasagawa ng pagpapatrolya at ‘police visibility’ ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 sa lugar ng kanilang nasasakupan nang makatanggap sila ng impormasyon hinggil sa nagaganap na robbery hold-up sa isang taxi sa kahabaan ng Engineering Road, Victoneta Avenue Barangay Potrero, Malabon City.

Nang makompirma ang ulat, agad nagsagawa ang mga tauhan ng SS1 ng follow-up operation na nauwi sa hot pursuit hanggang maaresto ang mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang isang kalibre .38 revolver, may tatlong bala, icepick, kitchen knife; at cellphone ng biktima na nasa P8,000 ang halaga at P1,270 cash.

Ang mga suspek ay sasampahan ng pulisya ng kaukulang kaso sa Malabon City Prosecutor’s Office. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …