Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Lim Kim Chiu

Xian at Kim ‘di pa priority ang pagpapakasal

MA at PA
ni Rommel Placente

MARAMING nagtatanong, lalo na ang mga tagahanga nina Xiam Lim at Kim Chiu kung kailan nila balak lumagay sa tahimik. Nasa right age na rin naman kasi ang dalawa para magpakasal. 

“Itatago muna namin, then when we’re ready, we will announce it,” sabi ni Xian sa interview sa kanya sa Updatedni Nelson Canlas.

Patuloy niya, “I don’t see myself getting married soon. Ang daming nagtatanong, ‘Xian, naniniwala ka ba sa idea of marriage?’ Yes, of course, I do. But marriage, I think ‘di siya minamadali.

“I’m well aware sa mga nagtatanong. Wala na akong masagot sa kanila. Nilalaro ko na lang talaga ‘yung sagot ko. Sometimes, I say siguro mga 60 years old, 70, 80. It’s because I just play around.”

Wala pa kasi talaga sa priorities nila ni Kim sa ngayon ang pagpapakasal.

Pero ayon kay Xian, “We love each other so much and that’s what’s important.”

idinenay din ng aktor ang tsismis na nagpa-secret marriage na sila ni Kim at naghihintay lamang sila ng tamang panahon para amininang tungkol dito.

“When the time comes, maybe I don’t know, maybe itatago muna namin then when we’re ready, we will announce it just like our relationship noong nagsisimula kami.

“Once it’s out there, ang daling puntiryahin, targetin, it’s so easy to take the happiness away. Ang daming elemento once you have it out there.”

“So I think dapat ilabas lang kapag ready ka na, parang bahay. Kapag solid na ‘yung foundation ng bahay, hindi na ‘yan guguho eh, ‘di ba?” aniya pa.

Naniniwala kami na sa kasalan din talaga hahantong ang pagmamahalan nina Xian at Kim.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …