TAPOS na ang kilusang People Power.
Ito ang mensaheng nais iparating ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr., sa pagtalaga kay dating Sen. Juan Ponce-Enrile bilang kanyang Chief Presidential Legal Counsel, ayon kay UP Political Science Professor Jean Encinas-Franco sa panayam sa programang The Chiefs sa One PH kamakalawa.
“It could also be saying that you know, wala na ‘yung EDSA. Kita n’yo, nandito na si Enrile na ulit sa amin ‘di ba. That can also be the case,” ani Franco.
Gusto aniyang patunayan ng pamilya Marcos na sila’y nagbalik sa poder dahil sa legacy ni Marcos Sr.
“Well in a sense, it says something that they really believe that they won based on the legacy of Marcos Jr’s father. And that having Enrile in the cabinet especially in that somehow prominent position would somehow cement in their supporters minds that indeed, this is a continuing, continuation of Bongbong Marcos father’s presidency,” sabi ni Franco.
Sa kabila aniya nang naging papel ni Enrile sa EDSA People Power 1 revolution na nagpatalsik sa diktadurang Marcos, maaari aniyang napatawad na siya ng pamilya Marcos at nagtiwala muli sa kanya.
“Hindi natin alam kung anong mga kuwentohan nila ‘no over the past few years that could have probably brought the trust of the family back to Enrile,” sabi ni Franco. (ROSE NOVENARIO)