Sunday , December 22 2024
Masungi Geopark Project Quarrying

Quarrying sa Masungi hiniling kanselahin ng NCR & Rizal mayors

NAKIISA ang ilang alkalde at iba pang opisyal ng mga lungsod sa ibaba ng Upper Marikina Watershed at Masungi Geopark Project, kabilang sina Marikina Mayor Marcy Teodoro at Pasig Mayor Vico Sotto, sa panawagan para sa agarang kanselasyon ng tatlong malalaking quarrying agreement sa loob ng sinabing protektado at conserved na lugar.

Kasama sa mga lumagda sa petisyon ay sina Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, Angono Vice-Mayor Gerardo Calderon, at mga barangay kapitan ng Marikina.

Matatandaang kahilingan din ito ni Rizal Governor Rebecca Ynares matapos ang pinsalang dala ng mga bagyong Rolly at Ulysses.

Sa Memorandum 2020-01, hinimok ng gobernador ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na kanselahin ang lahat ng mining tenements sa lalawigan ng Rizal upang maibsan ang baha.

Umapela ang iba’t ibang grupo ng mga eksperto, civic leaders, at katutubo na kanselahin ang tatlong Mineral Production Sharing Agreements (MPSAs) na sumasaklaw sa mahigit 1,300 ektarya kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, nang hindi kanselahin ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Acting Secretary Jim Sampulna ang nasabing mga kasunduan at sa halip ay ‘sinuspende’ ang mga quarry na hindi pa naman nagsisimula sa loob ng dalawampu’t apat (24) taon.

Hiniling ng mga grupo ang pagtatanggal at pananagutan sa walang tigil na pagtatayo ng mga ilegal na permanenteng estruktura sa watershed, kabilang ang mga swimming pool resort at rest house.

Ayon sa isang flood modelling study ng Manila Observatory, ang patuloy na pagkaubos ng gubat ng Upper Marikina Watershed ay maaaring magpalala ng lawak ng pagbaha sa mga mabababang lugar. Dahil halos 11% na lamang ng forest cover ang natitira sa watershed, ang pagkasira ng buhay at ari-arian kapag may malakas na pag-ulan ay maaaring mas malala pa kaysa naranasan noong bagyong Ondoy.

Parehong ipinagbabawal ng protected areas act (e-NIPAS) at Philippine Mining Act ang pag-quarry sa mga pambansang parke at proclaimed watershed reserves.

Dagdag rito, mismong ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang nagsabi na ang mga quarrying company ay nakagawa ng mga paglabag sa kanilang mga kontrata na dahilan ng pagkansela.

Simula noong 2017, ang Masungi Geopark Project ay isang non-profit, award-winning legacy project ng administrasyon na naglalayong ibalik ang mga nasira at inabusong watershed sa lugar na nakapalibot sa limestone formation.

Nailigtas nito ang 2,000 ektarya ng lupa para sa reporestasyon, naitatag ang 17 km., na monitoring trails at ranger stations, nagbigay hanapbuhay sa 100 park rangers, at nakipag-ugnayan sa 200 partners mula sa iba’t ibang sektor, sa kabila ng mga seryosong panganib na kinakaharap ng mga rangers at miyembro ng proyekto.

Ang lahat ng mabubuting nagawa rito ay mawawala ulit kung ang mga kasunduan sa quarrying ay hindi makakansela sa lalong madaling panahon, ayon sa mga environmentalist.

Bago bumaba sa puwesto ang Pangulo, hinihiling ang huling aksyong ito para sa kalikasan at sa mga susunod na henerasyon ng mga Filipino. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …