Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bugoy Cariño EJ Laure baby

Bugoy aminadong naisip ipalaglag ang anak

MA at PA
ni Rommel Placente

SA panayam kay Bugoy Carino sa vlog ni Karen Davila, inamin niya na sumagi sa isip niya na ipalaglag noon ang batang nasa sinapupunan ng nobyang  si EJ Laure, na isang varsity player. Natakot kasi siyang maapektuhan ang kanyang showbiz career kung malalaman ng publiko na buntis iyon. 

Noong panahong iyon, ay 16 lang si Bugoy, habang 21-anyos naman si EJ.

“Una po talaga ang desisyon namin ipalaglag na lang ‘yung baby. Parang bata pa ko noon, hindi ko alam na buhay pala ‘yung mawawala kapag ipinalaglag mo or something,” pag-amin ni Bugoy. 

Patuloy niya, “Sabi ko sa sarili ko, o sige para lang mabalik ‘yung career ko. Alang-alang sa family ko para makatulong ako talaga nang sobra at para maibalik ‘yung mga show na ibinigay sakin. ‘Yung tiwala sa ‘kin ng ABS. Sige, ipalaglag na lang.”

Ngunit makalipas ang isang linggo, napagtanto ni Bugoy na para na rin siyang pumatay ng tao kung ipalalaglag nila ang kanilang anak.

“Kapag ipinalaglag ko pala ito, parang ito ‘yung isa sa pinakamalaking kasalanan na magagawa ko sa buhay ko,” anang aktor.

Ang isa pa sa nagpabago ng desisyon ni Bugoy na ipalaglag ang bata ay nang makausap niya ang ama na nasa Saudi Arabia dahil sa ipinaalala nito sa kanya.

“‘Bunso, ‘pag ‘yan ipinalaglag mo ang bata, huwag mo na kong tawaging tatay. ‘Pag ‘pinalaglag mo ‘yan, ‘di ka tunay na lalaki,’” sabi ng kanyang ama. 

Kaya malaki ang pasasalamat ni Bugoy sa ama dahil ito ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob upang ipagpatuloy ang pagbubuntis ni EJ.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …