Friday , November 15 2024
Bulacan Police PNP

Sa loob ng 24 oras…
10 TULAK, 6 PUGANTE, 6 IBA PA NASAKOTE SA BULACAN

Naiselda sa loob lamang ng 24 oras ang may kabuuang 22 kataong pawang may mga paglabag sa batas sa lalawigan ng Bulacan sa serye ng mga operasyon kaugnay sa g anti-criminality drive ng mga awtoridad nitong Miyerkoles, 15 Hunyo.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, naaresto ang 10 drug suspects sa mga buybust operations na ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng mga etasyon ng pulisya ng Malolos, Norzagaray, Pandi, San Jose del Monte, at Sta. Maria.

Narekober mula sa mga suspek ang kabuuang 29 pakete ng hinihinalang shabu, kaha ng sigarilyo, coin purse, isang bundle ng mga basyong pakete ng plastic sachets, motorsiklo, at marked money.

Samantala, nadakip rin ang anim na katao dahil sa iba’t ibang insidente ng krimeng nirespondehan ng mga pulisya ng Baliwag, Malolos, Meycauayan, Plaridel, at San Jose del Monte.

Kinilala ang mga suspek na sina Francisco Hernandez alyas Weweng ng Brgy. Catulinan, Baliwag; John Mae De Felipe alyas JM ng Brgy. San Pedro, San Jose del Monte, kapwa arestado sa paglabag sa RA 8353 (Anti-Rape Law) alinsunod sa RA 7610 (Child Abuse Law); Ronnel Capmapangan alyas Dakang ng Brgy. Saluysoy sa kasong  Acts of Lasciviousness kaugnay sa RA 7610; Ronel Nonog ng Brgy. Santor, Malolos para sa kasong Theft; Mark Anthony Mira ng Brgy. Lumang Bayan, Plaridel para sa kasong Homicide; at James Raymond Villegas para sa kasong paglabag sa RA 7610 (Sexual Abuse).

Sumunod dito, nasukol rin ang anim na pugante sa iba’ -ibang manhunt operations na isinagawa ng mga operatiba ng mga himpilan ng pulisya ng Balagtas, Marilao, at Plaridel, at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Kinilala ang mga nadakip na sina Ronald Maristela, Jay Ar Aburita alyas Kasut, at Sammy Dualas, pawang mga residente ng Brgy. Lagundi, Plaridel na inaresto sa paglabag sa PD 1602 (Anti-illegal Gambling Law); Renato Fariñas ng Brgy. Abangan Sur, Marilao; Daniel Solayao ng Brgy. Dalig, Balagtas para sa kasong Qualified Rape at Sexual Assault; at Ma. Montiza Torres ng Angono, Rizal para sa kasong Adultery.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting officer at police stations ang mga akusado para sa nararapat na disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …