Friday , November 15 2024
Rice, Bigas

Incoming DAR chief: P20/kilo bigas, ‘hindi pa kaya’

Hindi pa kakayanin na ibababa sa P20.00 kada kilo ng bigas.

Ito ang pag-amin ni incoming Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III na hindi pa kakayanin ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo.

Taliwas ito sa unang pahayag ni outgoing Agrarian Reform chief Bernie Cruz na ang presyo ng bigas sa bansa ay maaaring mapababa sa P20 kada kilo, sa ikalawang bahagi ng 2023, sa pamamagitan ng “mega farm” o consolidated production.

Ayon kay Estrella, nakipag-dayalogo siya sa mga magsasaka na nagsabing ang farm gate price ay hindi maaaring mas mababa sa P10.

“Di kaya eh, ang kaya P14. Pagdating sa miller, tapos retailers pwede tayo sa P28,” pahayag ni Estrella sa isang panayam sa telebisyon nitong Huwebes.

“I don’t think it is [possible] In the very near future, it’s not possible. But you know how technology is,” aniya pa.

Kaugnay nito, sinabi ni Estrella, na apo ng unang Agrarian Reform chief Conrado F. Estrella Sr., na parehong inialok sa kanya ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos na pamunuan ang Department of Agriculture (DA) at ang DAR, ngunit ang DAR aniya ang kanyang pinili.

“I chose DAR and for the obvious reasons,” aniya pa. “We would like to be issuing titles under the presidency of President Bongbong Marcos,” ani Estrella.

Tiniyak pa ni Estrella na ipa-prayoridad niya ang pagbusisi sa ginawang pag-aresto sa 91 magsasaka, land reform advocates, media, at mga estudyante sa Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac, kamakailan.

Nabatid na ang mga magsasakang inaresto ay kabilang sa listahan ng mga benepisyaryo sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …