Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Thea Tolentino

Thea muntik iwan ang showbiz

RATED R
ni Rommel Gonzales

INILAHAD ni Thea Tolentino na nakaranas siya ng quarter life crisis noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic kaya naman naisipan niyang magtrabaho sa corporate world. 

Noong nag-scroll ako, kasi nitong huli, as in tinry kong mag-apply, kasi gusto ko nang [magka]experience sa corporate world,” ani Thea.

Pero hindi naman niya iiwan ang showbiz.

“Parang quarter life crisis na feeling, na parang, ‘Ito lang ‘yung alam ko? What if magkaroon ng pandemic ulit tapos na-stop ‘yung mga project?’ Work from home, ‘yung puwedeng gawin. Kasi ang hirap din mag-shoot from home at saka nahihirapan talaga mag-isip ng content,” ani Thea.

Ibinahagi rin ni Thea na nakakita siya ng mga kompanyang hiring pero hinahanapan na agad ng experience ang mga fresh graduate.

Taong 2020 pa nakapagtapos ng pag-aaral si Thea sa kolehiyo sa kursong Bachelor of Arts in Business Administration sa Trinity University of Asia. Pero dahil sa COVID-19 pandemic, sa online muna ginawa ang kanilang seremonya ng pagtatapos.

Masarap sa pakiramdam dahil achievement siya para sa akin. Napagsabay ko ang dalawang bagay na importante sa akin. Nahirapan man ako sa schedule, pero worth it.”  

Mapapanood si Thea sa Lolong ng GMA at sa pelikulang Take Me To Banaue. Ang Fil-Am movie na Take Me To Banaue ay mula sa Carpe Diem Pictures, isang independent movie production na based sa US.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …