HATAWAN
ni Ed de Leon
NANG matanong si Kylie Padilla kung alin ang mas pipiliin niya sa career at lovelife, ang kanyang sagot ay “career muna.” Tama naman iyon, pero sana ganyan din ang naging takbo ng isip niya noong panahong papataas na ang kanyang career. Isipin ninyo, ibinigay sa kanya ng GMA 7 ang pinaka-mahalagang role sa isang fantasy serye na ginastusan nang napakalaki. Pero nagkaroon ng problema, sa kalagitnaan ng serye, biglang nabuntis si Kylie.
Nalipat ang importanteng role kay Sanya Lopez, at tingnan ninyo kung ano ang nangyari ngayon, ayaw pa nilang aminin pero si Sanya na ngayon ang talagang matatawag at dapat tawaging Primetime Queen. Iyang ratings ng serye ni Sanya hindi lang ngayon. Mas mataas na ratings iyan sa lahat ng shows sa GMA 7, maliban lang sa Vilmanoong araw.
Sana ganyan ang naging kaisipan ni Kylie noong una pa.