Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Samantha Lopez Gabby Concepcion Sanya Lopez

Samantha naniniwalang nakatulong ang eleksiyon sa First Lady  

RATED R
ni Rommel Gonzales

MAY temang politikal ang First Lady na serye ng GMA at katatapos lamang nitong May 9 ang maituturing na pinakamainit, pinakamaingay, at pinaka-kontrobersiyal na eleksiyon sa kasaysayan ng Pilipinas.

At bilang parte ng First Lady bilang former first lady Ambrosia Bolivar, hiningan namin si Samantha Lopez ng opinyon kung nakatulong ba ang katatapos na national election para mas lalong tutukan ang First Lady?

“Yes and no,”  umpisang sagot sa amin ni Samantha. “I’ll start with no because ‘First Yaya,’ nakatatak na, eh. So may eleksiyon o wala, susubaybayan nila (ang First Lady) because ‘First Yaya’ was… eh noong kailan nga lang may letter of commendation ‘yung boss namin mismo, si FLG, number one of year 2021 ‘yung year na ‘yun, number one show all over.”

Ang tinutukoy na commendation ay ang ibinigay ni GMA Network, Inc. Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon sa cast at sa buong production ng First Yaya sa pagiging matagumpay na pagpapalabas nito at sa pagiging number 1 Top Program ng 2021 ayon na rin sa Urban Philippines and Total Philippines report. 

“So iyon pa lang, may eleksiyon o wala nakatulong because ang lahat ng tao nakatutok, eh.

“This has been the most controversial, most tight and delicate election sa Philippines, I saw and heard that, kasi matagal akong nawala eh, tatlong eleksiyon ang hindi ko naabutan, pero iyon ang sabi.”

Maraming taong nanirahan sa Amerika si Samantha bago nagdesisyong balikan ng kanyang showbiz career sa Pilipinas.

“So ang mga tao nakatutok dahil ibang era, eh. Whereas before ang millennials wala naman ‘di ba, wala naman silang masyadong pakialam.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Apeng Valenzuela Mantsa Louie Ignacio

Newbie produ tutulungan movie industry 

MATABILni John Fontanilla LAYUNIN ngbaguhang producer na si Apeng Valenzuela na makatulong sa movie industrykaya ipinrodyus niya …