Wednesday , May 14 2025
shabu drug arrest

Lalaking tirador ng bisikleta huli sa shabu

KALABOSO ang isang lalaki matapos magnakaw ng bisikleta at makuhaan ng shabu sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon City police chief Col. Albert Barot ang suspek na si Raizon Dela Cruz, 20 anyos, residente sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Batay sa ulat ni P/MSgt. Randy Billedo, unang tinangay ng suspek ang bisikleta ni Mark Bryan Moreno, 22 anyos, online seller, habang nakaparada sa harap ng kanilang bahay sa Anonas Road, Brgy. Potrero ngunit nakita siya ng biktima.

Humingi ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Garry Ignacio, dakong 10:30 pm.

Habang nagsasagawa ng mobile patrol namataan ang suspek hanggang magkahabulan, makorner at maaresto ang suspek.

Nabawi ang bisikleta ng biktima na nagkakahalaga sa P8,000 ngunit nang kapkapan ng mga pulis ay nakuha pa sa pag-iingat ni Dela Cruz ang tinatayang 7.9 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P53,720.

Bukod sa kasong pagnanakaw, mahaharap din ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …