Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Abdul Raman Dennis Trillo

Dennis tumulong sa pagpapagamot ng ina ni Abdul Raman

RATED R
ni Rommel Gonzales

BUMUBUTI na ang kalagayan ng ina ni Abdul Raman. Ito ang ibinahagi niya nang  matanong namin ito.

“Ah she’s fine, she’s recovering naman po,” ang nakangiting sagot sa amin ni Abdul “Medyo halted po ngayon kasi we’re waiting for the doctor’s ano, kasi may mga kailangan pa po siyang pagdaanan, pero nakakapagsalita naman po although medyo hirap.

”Pero progress is progress,” dagpag pa nito.

Labislabis-labis ang pasasalamat ni Abdul sa GMA dahil tuloy-tuloy ang trabaho niya na malaking tulong sa mga gastusin sa pagpapagamot sa kanyang ina.

“Hindi po ako nawawalan ng trabaho, malaking blessing po!” anang aktor na na-stroke ang ina noong Hulyo 2021.

Isa si Dennis Trillo na co-star ni Abdul sa Legal Wives na nag-abot ng tulong-pinansiyal  sa aktor.

“Ang laki-laki po ng contribution niya as in, at marami pa pong mga ibang Kapuso na actors and stars na tumulong talaga.”

Samantala, ikinukompara ngayon sina Abdul, Kelvin Miranda, at Shaun Salvador kina Richard Gomez, Joey Marquez, at John Estrada dahil ang upcoming sitcom nila na TOLS ay nahahawig sa sikat na sitcom ng mga ito, ang Palibhasa Lalaki na umere noong 1987 hanggang 1998.

Mapapanood ang TOLS simula June 25, 7:05 p.m. sa GTV  kasama  sina Rufa Mae Quinto, Olive May, Arkin del Rosario, Raymund Mabute, Rolly Concepcion, at Betong Sumaya.   

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …