ILANG araw bago ang kanyang special live performance para sa Kapuso sa Tokyo, Japan, naglibot-libot muna si Andrea Torres.
Suot ang isang bright pink dress, bumisita si Andrea sa very trendy na Takeshita Street sa Harajuku pati sa tanyag na rebulto ni Hachiko sa Shibuya.
May nakilala rin siyang ilang mga sumo wrestler at nagpa-picture kasama ang mga ito.
Sa kanyang pangalawang araw ng paglilibot, nag-food trip naman siya sa Tsukiji Market na tumikim siya ng fresh sashimi, yakitori at marami pang iba.
Bukod dito, nag-take over din si Andrea sa Instagram stories ng GMA Pinoy TV para ibahagi ang kanyang bakasyon.
Bahagi si Andrea ng live presentation ng GMA Pinoy TV sa Philippine Expo 2020 na ginanap sa Ueno Onshi Park sa Tokyo noong June 12.
Ito ang kauna-unahang live event ng GMA Pinoy TV sa Asia simula nang magkaroon ng pandemic.
Malapit na ring ipalabas ang Pasional na international movie ni Andrea.
(Rommel Gonzales)