ni ROSE NOVENARIO
NAIS ni outgoing President Rodrigo Duterte na ipamana sa kanyang anak na si Vice President-elect Sara Duterte ang kanyang kampanya laban sa illegal drugs.
“This time, kung wala na ako, sabihin ko na lang kay Inday, ‘Take over. Ikaw na ang…Kunin mo ‘yang trabaho…’,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Valenzuela City kahapon.
Nanawagan si Duterte kay Sara na tiyaking hindi makapapasok ang illegal drugs sa mga paaralan sa pag-upo ng kanyang anak bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).
“Biro mo ‘yang Department of Education, maraming bata riyan. Do not ever allow contamination diyan sa ano. Gumamit ka ng — if you have to do it, do it,” giit niya.
Si Duterte ay nahaharap sa kasong crimes against humanity of murder sa International Criminal Court (ICC) bunsod ng extrajudicial killings kaugnay ng isinulong na drug war ng kanyang administrasyon.
Batay sa tala ng human rights groups may 30,000 katao ang napatay sa Duterte drug war.