Tuesday , December 24 2024
Healthy Pilipinas Short Film Festival HPSFF FDCP DOH

FDCP at DOH sanib-puwersa sa Healthy Pilipinas Short Filmfest

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGSANIB-PUWERSA ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Department of Health(DOH)para ilunsad ang Healthy Pilipinas Short Film Festival (HPSFF) na ang adhikain ay makapagsulong ng mas malusog na bansa. Ang festival ay magaganap Hunyo 24, 2022 sa Shangri-La Plaza Red Carpet, Ortigas. Magkakaroon din ito ng online screening mula June 25-26, 2022. 

Sa isinagawang virtual launching kamakailan ng HPSFF, ang Healthy Pilipinas ay isang communication campaign na pinangungunahan ng DOH at naglalayong makahikayat sa mga Filipinong isabuhay ang mga positibong gawi upang maiwasan ang pagkahawa at pagkalat ng sakit. Sinimulan ng DOH ang pakikipagpulong sa FDCP tungkol sa film festival noong isang taon bilang pagkilala sa bisa at inam ng short films bilang midyum sa pagpapaabot ng kaalaman sa mas maraming manonood.

Sinusugan naman ito ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño sa kanyang pambungad na pagbati sa katatapos na press launch, “Who would have thought that FDCP and DOH would champion together both of their advocacies in a way that is very relatable and very engaging to our audience. It’s amazing how being in lockdown has spurted creativity even in isolation. The film community stayed active with writing, story development, and preparing for the time that shoots and filming will be allowed again. We excitedly took this on as health has become a paramount concern for every person globally. It is the right time to harness the power of cinema and social media to communicate something relevant,” ani Dino.

Sinabi naman ni Dra. Beverly Ho, DOH Director of Health Promotion Bureau, “We’re happy that this partnership was born because FDCP does the things we are unable to do, they help us raise awareness on the 7 Healthy Habits and of course, with the added benefit of featuring our homegrown talents in the film industry. We are very much excited about this initiative.”

Anim na filmmakers mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang inatasang lumikha ng mga pelikulang hindi hihigit sa 17 minuto na maglalahad ng iba-ibang mga health issue. Ang anim na itatampok na filmmakers ay mula sa Pampanga, Cebu, Cagayan de Oro, Zamboanga, at Metro Manila. Isinusulong ng proyektong ito, ‘di lamang ang malusog na pamumuhay para sa mga Filipino, kundi pati ang pagtatanghal sa talento ng mga Filipinong filmmaker.

Ang anim na short films ay ang Ang Paboritong Pinggan ni Nanay ni Carlo EncisoCatu Child’s Play ni Julienne IlaganBrand X ni Keith DeligeroLlegada nina Ryanne Murci at ZurichChan Life on Moon niSheron Dayoc; at Dito Ka Lang ni Ice Seguerra.

“Ang intensyon ng FDCP ay ilabas ang boses ng filmmakers, it did not feel like work.”  ani Keith ukol sa kanyang Brand X na isang animation sa ilalim ng temang, “Be Clean, Live Sustainably.”

As a regional filmmaker, opportunities are not that many. FDCP has been making a lot of efforts to give us a spotlight, to share the spotlight with us,” sabi naman ni Carlo, direktor ng Ang Paboritong Pinggan ni Nanay.

Inilarawan naman ni Sheron, direktor ng Life on Moon, ang kanyang proseso sa pagbuo ng idea ng kanyang pelikula, “The real challenge was how do we come up with a short film that wouldn’t sound preachy, how do we show it in a more simplified way in presenting a new perspective.”

Ang mga sumusunod na short films ay magtatampok ng Healthy Habits gaya ng malusog na pangangatawan at pagkain, masinop na pamumuhay, mental health, ligtas na pagtatalik, at mga hakbang pangkaligtasan:

“Sa pag-usbong ng new normal bunsod ng COVID-19 pandemic, ang pagtataguyod ng kalusugan at kaligtasan ay nararapat maging prioridad sa bawat tahanan, workplace, paaralan at komunidad. Isang paraan upang maipaabot ang mensaheng ito sa mga tao sa pamamagitan ng pelikula at media. Hangad ng ating adbokasiya ang masaya at malikhaing presentasyon ng mga pelikula na de kalidad at puno ng mga magagandang mensahe. Halina’t magsama-sama para ang bawat Filipino ay maging malusog na mamamayan, para sa isang Healthy Pilipinas,” ani DOH Secretary Francisco Duque IIIna suportado ang naturang proyekto.

Snabi naman ni  Dr. Dominic Maddumba, Chief of Behavior Change and Social Mobilization Division, Health Promotion Bureau na, “We really need most people to actually bring out the message of Healthy Pilipinas through the 7 Healthy Habits. For this particular engagement and partnership with FDCP, and our homegrown talents, we’ll be showcasing different subject matters of different health concerns that are concerning for the Filipino people not only this time of the pandemic but it will transcend once we are out of the woods.”

Matapos ang opening ceremony,  online screenings,magkakaroon ng panel discussion kasama ang ilang piling health experts at mga celebrity moderator.   

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …