Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rufa Mae Quinto Kelvin Miranda Abdul Rahman Shaun Salvador

Rufa Mae nanay ng 3 barako sa isang sitcom 

I-FLEX
ni Jun Nardo

HANDANG-HANDANG mang-akit, magpakita ng bukol at i-flex ang mga katawan nina Kelvin MirandaAbdul Rahman, at baguhang si Shaun Salvador kapag umere na ang bagong sitcom sa GMA News TV na Tols.

Lalabas na triplets sina Kelvin, Abdul, at Shaun mula sa collaboration ng Team ni Tyrone Escalante, Merlion Events Production, Inc, at GMA Network.

Naalala ng press na dumalo sa mediacon ng Tols ang sumikat na sitcom na Palibhasa Lalake nina Richard Gomez at Joey Marquez. Nanunukso, nangingiliti, at may pakili-kili sa manonood.

Sa tatlo, aminado si Kelvin na nanibago sa bagong project.

Pero ready naman akong mangiliti sa mga tao. Eh lalabas ang kalokokhan namin sa show!” sey ni Kelvin na ayon kina Abdul at Shaun, eh mas loko at pilyo sa kanila.

Lalabas na mother nila si Rufa Mae Quinto sa pagbabalik niya sa GMA. Mapapanood ito simula sa June 25, sa GMA News TV.!Mula ito sa direksiyon ni Monti Parungao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …