Friday , November 15 2024
arrest, posas, fingerprints

Lola wanted sa Labrador, nadakip ng QC police

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lola, No. 2 Municipal Level most wanted person (MWWP) sa Labrador Municipal Police Station sa bisa ng warrant of arrest, sa Binangonan, Rizal, nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Remus Medina, ang nadakip na si Nora Escaño, alyas Nora Bernal, 70 anyos, residente sa Poblacion, Labrador, Pangasinan, batay sa report na isinumite ni P/Lt. Col.  Abraham Abayari, station commander ng Batasan Police Station (PS-6).

Ang suspek ay naaresto dakong 3:00 am nitong 8 Hunyo, sa Añonuevo St., Brgy. Macamot, Binangonan, Rizal sa pinagsanib na puwersa ng PS-6, Labrador Municipal Police Station, Pangasinan, at 5th MFC-RMFB Intel operatives.

               Si Escaño ay may nakabinbing warrant of arrest sa kasong Qualified Theft na inilabas ni Judge Walter Orais Junia, ng Branch 55, Regional Trial Court, First Judicial Region, Alaminos City, Pangasinan.

Ang hukumang pinagmulan ng utos ng pagdakip ay aabisohan sa pagkaaresto sa akusado. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …