Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angelika Dela Cruz death threat

Aktres na barangay chairman
ANGELIKA DELA CRUZ PINADALHAN DEATH THREAT, 4 BALA  
“Susunod  ka kay Ka Pilo, apat kayo!”

LAMAN ng sulat ang pagbabanta sa buhay na ipinadala kay Barangay Captain Angelika Dela Cruz, sa Barangay Longos, Malabon City, kasama ang apat na bala ng kalibre .45 bilang pagbabanta.

               Si Dela Cruz, isang aktres, ngayon ay nanunungkulang barangay chairman sa isang barangay sa Malabon City.

“Napakarumi po talaga ng politika sa ating bansa… ‘yan po ang sulat at bala na ipinadala sa XO ng aming Barangay na nagsasabi na may apat daw na susunod at kaya may umiikot na hindi kilala sa bahay naming mag kapatid… grabe naman kayo kung sino man kayo na gumagawa nito sa amin.”

Nakasaad ito sa sulat na inilabas ni Dela Cruz sa Instagram kahapon.

Matatandaan, noong nakalipas na Linggo ay binaril at napatay ang barangay chairman  na si Felimon Villanueva, 68 anyos, Barangay Chairman ng Tonsuya dahil sa pagbaliktad nito noong nakaraang eleksiyon na ikinatalo ng mayor ng nasabing lungsod.

Dahil dito, agad gumawa ng aksiyon ang pulisya at naghigpit sa lahat ng lugar na ginagalawan ng kapitana.

Batay sa ulat, hindi man lang nakaangat ang kumakandidatong mayor ng Malabon na tinalo ng isang babae, unang beses nangyari sa eleksiyon sa barangay na kinasasakupan ni Dela Cruz. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …