Sunday , December 22 2024
Quezon City QC
Quezon City QC

8 gun runner,  nadakip sa QC

DINAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang walo kataong hinihinalang gun runners at pawang miyembro ng isang unlisted criminal gang, sa isang buy bust operation na isinagawa sa Quezon City, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni QCPD Director, P/BGen. Remus Medina, ang nadakip na sina Angelo Santiago, 22, alyas Edong, construction worker; Leonardo Salazar, 31, construction worker; Erwin Corpuz, waiter; Eduardo delos Santos, 38, construction worker; Anthony delos Santos, 45; at Francisco de Guzman, 43, pawang residente sa Brgy. Vasra, Quezon City; Rolando Santos, 43, ng Norzagaray, Bulacan, at Winny Joy Cabatuan, 31, ng Brgy. UP Campus, Quezon City.

Ang mga suspek ay sinabing pawang miyembro ng Angie and Wowie Criminal Gang, isang unlisted criminal gang, na umano’y sangkot sa gun running, swindling, at illegal drug trade na nag-o-operate sa iba’t ibang lugar sa Quezon City.

Batay sa ulat, dakong 11:30 pm nang isagawa ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Quezon City District Field Unit (QCDFU) ang pag-aresto sa mga suspek, sa tahanang matatagpuan sa Iriga St., Brgy. Culiat, sa lungsod.

Una rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad mula sa isang confidential informant hinggil sa talamak na bentahan ng mga ilegal na armas sa Brgy. Culiat at iba pang bahagi ng lungsod na kinasasangkutan umano ng isang alyas Edong.

Agad umaksiyon ang CIDG-QCDFU at nang makompirma ang impormasyon sa isinagawang surveillance ay nagkasa ng buy bust operation.

Nakahalata si alyas Edong na mga pulis ang katransaksiyon kaya’t kumaripas ng takbo at pumasok sa naturang tahanan pero sinundan siya ng mga pulis at inaresto.

Dito nadakip ng mga pulis ang kanyang mga kasamahan, na naaktohan pang nagpa-pot session.

Nakompiska mula sa mga suspek ang isang kalibre .38 revolver, walang serial number; P500 buy bust money, nakapaibabaw sa boodle money, at isang pulang sling bag.

Nasamsam rin ang tatlong pirasong heat sealed transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at may timbang na 0.3 gramo, nagkakahalaga ng P3,000; dalawang used transparent sachet; apat na nilamukos na aluminum foil; dalawang gunting; tatlong lighter, isang water pipe na may balot na transparent plastic sachet, may lamang likido; dalawang maliit na digital weighing scales at isang itim na coin purse.

Ang mga suspek ay nakapiit na at sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act No. 10591 o The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9165 o The Comprehensive Dangerous Act of 2002. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …