AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan
Kadalasan kapag panahon ng eleksyon, maririnig ang reaksyon mula sa mamamayan na magaling lang ang mga kandidato sa panahon ng kampanya – lumalapit at bumababa sila sa mamamayan para mangampanya o naalala lang ang mamamayan sa panahon ng halalan.
Kapag manalo, ‘ika nila ay nakalimutan na sila ng mga kandidato at kakalimutan na rin ang kanilang mga pangako – isa sa madalas na naririnig na pangako diyan ay patungkol sa pagbibigaay serbisyo sa mamamayan na nangangailangan ng tulong sa lokal na pamahalaan.
Madalas na ipinangangakong sa kampanya na ang serbisyo ng lokal na pamahalaan ang lalapit na sa mamamayan para hindi na sila mahirapan pang magtungon sa city hall o munisipyo.
Kung sa ibang kandidatong nanalo ay pawang pambobola lang ang kanilang pangakong ilalapit ang serbisyo ng lokal na pamahalaan sa mamamayan, ibahin natin ang Quezon City. Tinutupad ng lokal na pamahalaan ang kanilang plano o pangako sa mamamayan ng lungsod. Inilalapit talaga ni QC Mayor Joy Belmonte ang serbisyo ng lokal na pamahalaan sa mamamayan ng lungsod.
Sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga Disrict Action Office (DAO), inilapit ni Mayor Joy ang mga serbisyo at mga programa ng lokal na pamahalaan sa kanyang mga nasasakupan.
Magiging epektibo na ang nasabing serbisyo nang maaprubahan ang City Ordinance No, SP-3000, S-2021 o ang Quezon City District Action Office Ordinance. Sa nasabing ordinansa ay may itinatag na anim (6) na District Action Offices na may 42 ‘co-terminus’ na posisyon para sa operasyon ng mga opisina.
Isa sa itinalagang DAO ng District 2 ay si Atty. Bong Teodoro na ayon sa abogado ang kanyang distrito ay sumasakop sa limang pinaka-malalaking barangay kabilang na ang Brgy. Payatas.
Hayun, sa pamamagitan ng programa ay mapapabilis na ang pagbibigay ng serbisyo sa mamamayan. Mapapabilis ang lahat dahil nga sa hindi na kaialngan pang magpunta sa city hall ng mga residente mula ssa anim na distrito ng lungsod para sa kanilang mga pangangailangan.
Sa halip nga ay sa DAO na sila magtutungon kaya bukod sa hindi na mahirapan ang mga residente ay mapapabilis pa ang lahat. Magiging mabilis ang lahat dahil ang serbisyo ng LGU na ang lumapit sa mamamayan. Iwas trapik na, bawas pagod pa at bawas gastos pa.
“Ang set-up ay parang mini city hall sa kanilang mga area. So instead of going to the city hall, maari silang tumungo sa kanilang district office para matugunan ang kanilang mga kailangan,” ani Teodoro.
Halibawa angg pagbibigay ng libreng gamot para sa senior citzen at may mga karamdaman, sa halip na sa city hall sila. magpunta ay maaari na nilangg makuha ito sa mga District Action Office o kaya ay sa pinakamalapit nilang mga health centers.
E paano naman iyong mga paglalakad ng mga legal na dokumento, sakop ba ito ng programang DAO? Ano sa tingin niyo?
Malinaw naman ang sabi, lahat ay mayroon na sa tanggapan ng DAO sa anim na distrito ng lungsod. So, ang ibig sabihin ay kahit na ano ay mayroon sa DAO. Opo, kahit na legal documents pa ang lalakarin ay hind na kailanga ng isang residente na magtungo sa Cty Hall.
Maaari at talagang puwedeng – puwede nang maipaproseso sa DAO. Bakit? Paano kasi, ang ginawa ni Mayor Joy ay nagtalaga ng kinatawan sa DAO ang bawat departamento ng lokal na pamahalaan.
O, ano pang hanap niyo? Kompleto na angg lahat – inilapit na sa inyo mga taga QC ang serbisyongg bayan ng city hall kaya huwag nangg tatamad-tamad pa.
Hindi ba ani na DAO ang pinag-uusapan natin dito? Kaya, bukod kay Teodoro, ang mga DAO officers ay sina dating konsehal Ollie Belmonte, na 176 E. Beltran St., Brgy. Katipunan para sa mga taga-District 1; Thomas John Thaddeus De Castro, District 3 na nasa #25 Calderon St., Brgy. Marilag na pinamumunuan ni Action Officer Thomas John Thaddeus F. De Castro; Alberto Flores, District 4 Action Officer sa Archival Center, sa Scout Reyes, Brgy Paligsahan; William Bawag sa District 5 Action Officer na nasa Novaliches District Center, Moses St., Jordan Plaines, sa Brgy Sta Monica at Atty. Mark Anthony Aldave sa District 6 sa Barangay Culiat Multi Purpose bldg., Cenacle drive, Sanville Subdivision.
Hayan, hindi lang hanggang pangako ang QC LGU kung hindi tinupad ni Mayor Joy ang kanyang makataong serbisyong lingkod sa mamamayan ng lungsod. Sa pagsusuri, makikitang ayaw ni Mayor Joy na pahiraoan pa ang kanyang mga konstituwent sa lungsod.