Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

P.1M shabu sa Kankaloo
2 MISTER, 1 GINANG TIMBOG

KULUNGAN ang inabot ng dalawang mister at isang misis na pawang  listed drug personalities, matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa drug operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director Ulysses Cruz ang  mga suspek na sina John Culasito, 26 anyos, Marshial Agna, 52 anyos na laborer at si Emely Antonio, 55 anyos na ginang, pawang residente ng  nasabing lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong 3:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU-NPD) ng monitong at validation matapos ang natanggap na ulat tungkol sa nagaganap umanong illegal drug activities sa 2nd St 4th Avenue Brgy. 118 ng lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang apat na medium heat sealed transparent plastic sachets at apat na maliit na transparent plastic sachets na naglalaman lahat ng aabot sa 17 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P115,600 at P500 drug money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Rommel Sales)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …