ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
LABIS ang kagalakan ng guwapitong singer na si Yohan Castro sa pagdating ng maraming blessings sa kanya.
Bukod sa inaayos na ang kanyang debut single, mayroon siyang gagawing concert, plus, patuloy ang pagdami ng kanyang endorsements.
Ano ang reaction niya na lalong dumami ang kanyang endorsements ngayon?
Masayang saad ni Yohan, “Yes po, sobrang daming endorsements ang dumating sa akin after Queen Eva Salon & Spa and Luminescence Aesthetic, may isa pang mas malaking endorsements na darating, bale related ito sa Technology Advancement.
“Unti-unti pa lang talagang pinaplano ng employer at ng aking manager ang agreement, but so far it would be another big blast for me kasi malaki at mayamang company din ito.”
Pahabol pa niya, “Sobrang saya ko at lagi kong pinapasalamatan ang Diyos una sa lahat at kay Doc Art na aking manager, na patuloy na nagtitiwala sa akin bilang isang artist niya.”
Inusisa namin siya sa kanyang magiging debut single na mula sa kilalang composer na si Vehnee Saturno.
Esplika ni Yohan, “Ang pamagat ng unang song na ibinigay sa akin ni Sir Vehnee Saturno ay Bigay, galing sa title mismo, its a gift for me na makasama siya sa ganitong project.”
Ang second song niya ay pag-uusapan pa raw nila ng kanyang management at ng batikang composer.
Kailan maririnig ng public ang kanyang debut single?
“Ang pagkakaalam ko, by this month of June, we will also start recording it on his recording studio. Then, saka pa lang niya ako ia-allow to sing it on my concert sa Music Box at sa iba pang social media flatforms.
“Sa pagkakaalam ko, kapag well polished na ang song at saka pa nila ako iaallow to sing it in public or in any social media platforms like Spotify, including radio stations and Wish Bus.”
Ayon pa sa singer, dream come true ito na may Vehnee Saturno single na siya.
“Opo sir, dream come true na sa akin na mabigyan ako ng isa sa mga naisulat niyang awitin. Alam naman kasi natin kung sino siya sa mundo ng musika,” nakangiting sambit pa ni Yohan.
Ano ang masasabi niya kay Doc Arthur Cruzada bilang talent manager?
“I’m so proud kay Doc Art na isa ako sa naging part ng ArtTalent Management. Ako talaga ang pioneer or senior at naunang talent niya, saka pa lang dumating yung mga bago na napusuan niya to handle rin. Kaya happy ako sa tiwala niya sa aking kakayahan as a singer and endorser.”
Dahil makikilala o babansagan na siya ngayon bilang Millennial Pop Prince, ano ang reaksiyon niya hinggil dito?
“Lubos ang aking kagalakan sa ibinigay na regalo ng media sa akin. Binansagan nila akong Millennial Pop Prince… akala ko noon sina Eric Santos lang ang may bansag na Prince of Pop, pero halos kapareho ko ang bansag nila sa akin. Nakaka-touch at na-overwhelmed po talaga ako sa gesture ng media sa akin,” pakli pa ni Yohan.