Sunday , December 22 2024
Rhea Tan Marian Rivera Dingdong Dantes Zia Ziggy

Zia at Ziggy posibleng umentra sa family show nina Dong at Marian

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISANG family-oriented show ang Jose and Maria’s Bonggang Villa kaya natanong namin ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes kung may chance na maging guest sa kanilang bagong show ang mga anak nilang sina Zia at Ziggy.

Puwede naman, dumadaan-daan lang,” nakangiting umpisang reaksiyon ni Marian.

Wala namang imposible,” sagot naman ni Dingdong.

“I mean, hindi pa, hindi namin napag-uusapan, thank you for bringing that up. Dahil siguro riyan mapag-uusapan namin,” ang nakangiting dagdag pa ng Primetime King ng GMA

Tinanong naman namin si Marian kung sino ang dream guest niya sa kanilang show.

Parang masaya ako na nandito ‘yung cast, sila ‘yung dream kong makasama talaga,” ang nakangiting wika ng GMA’s Primetime Queen.

Ang cast na tinutukoy ni Marian ay sina Johnny Revilla, Shamaine Buencamino, Pinky Amador, Mike “Pekto” Nacua, Benjie Paras, Hershey Neri, Loujude Gonzalez, Jamir Zabarte, at Zonia Mejia.

“So siguro ‘yung mga guest na magge-guest namin is bonus na lang ‘yun kasi the mere fact na nabuo ang pamilya ng Bonggang Villa sila talaga ‘yung dream namin na makasama,” sabi pa ng misis ni Dingdong.

Sa direksiyon ni John ‘Sweet’ Lapus, napapanood sa GMA ang Jose and Maria’s Bonggang Villa tuwing Sabado, 7:15 p.m. pagkatapos ng Pepito Manaloto.

Samantala, isang engrandeng pagdiriwang ng pagmamahalan at pagkakaibigan and idinadaos ng Beautéderm Home sa pag-marka nito ng isang bagong milestone sa pag-commemorate ng pormal na renewal ni Marian bilang opisyal na brand ambassador nito for another 30 months.

Ang makasaysayang pagsasanib-puwersa ng Beautéderm Home at ni Marian ay ginanap noong 2018 nang inilunsad ang Reverie, isang exquisite line ng mga home scent tulad ng soy candles at air purifiers gayundin ang mga room at linen sprays.

Ang Reverie ay play of words ng pangalan ni Rhea Anicoche-Tan o Rei, Presidente at CEO ng Beautéderm; ng pangalan ni Marian noong siya ay dalaga pa; at ang konsepto na gustong ipadama ng brands sa mga user nito—ang marelaks habang tinatamasa ang kakaiba at matatamis na amoy ng pag-ibig na dulot ng Beautéderm Home.

Ang unang mga produkto sa ilalim ng Reverie line ng Beautéderm Home ay kinabibilangan ng Into The Woods (Bamboo Scent), Smells Like Candy (Cherry Scent), Time To Bloom (Fresh Rose Scent), Something Minty (Eucalyptus Scent), at Rest & Relaxation (Lavender Scent) – na lahat ay nilikha mula sa formulation hanggang sa individual packaging sa malapit na pakikipag-ugnayan kay Marian. Noong 2021, ipinakilala ng line ang dalawa pang additional scents – ang Matcha To Love at Take Me Away.

Level-up ang Beautéderm Home ngayong taon sa pag-introduce nito sa mga brand-new at essential na mga produkto sa ilalim ng Reverie line na ‘di lamang magpapabango sa bawat tahanan ngunit poprotektahan din ang mga ito mula sa   germs, bacteria, at viruses.

Ang una sa mga bagong produkto ay ang Pour Tout Faire–isang 3-in-1 multi-purpose spray that deodorizes, disinfects, and protects sapagkat formulated ito para ma-eliminate ang mga unpleasant odors; upang instant na ma-disinfect ang mga surfaces, dahil  pinapatay nito ang mga bacteria at viruses upon contact; at upang ma-protektahan ang bawat miyembro ng pamilya. May dalawang variants ito – ang Fresh & Vibrant at Clean & Calm. Ideal ang Pour Tout Faire sa pag-sanitize ng hangin; para sa mga linen at lahat ng surfaces; at maaari rin itong i-spray sa balat ng tao at sa mga damit at 100% na ligtas din ito para sa mga bata at pets.

At bilang special treat sa partnership renewal ng Beautéderm Home at ni Marian, maglalabas ang Reverie ng special limited-edition soy candle box set na may tatlong bagong scents—Inviting Cherimoya, Irresistible Vanilla, at Tempting Pear and Melon.

“Maligaya po ako sapagkat tumagal ang relationship ko sa Beautéderm Home at excited po ako as I look forward to many more years with this brand na talaga namang malapit sa puso ko,” sabi ni Marian. “We have worked so hard in developing these new products at very proud ako na ipakilala ang mga ito sa lahat.”

Ayon naman kay Ms Rhea, malalim na ang samahan nila ni Marian at talagang pinahahalagahan niya ito. “Marian is an extremely valued member of the Beautéderm family and I am so happy to have her onboard as the brand ambassador of Beautéderm Home for another 30 months and hopefully more years in the future.

“Para na kaming magkapatid ni Marian. Baby sister ko siya as she is the sweetest and the kindest, at isa siya sa pinaka-propesyunal na ambassadors namin. What I love about her is that her love for me is wholeheartedly extended to my staff and to all of our resellers and distributors. I truly celebrate Marian and her solid partnership with Beautéderm Home. But more than that, grateful po ako sa sincere and loyal friendship niya,” ani Ms. Rhea.

Lasapin ang exhilarating aromas ng pinakabagong mga produkto ng Reverie at protektahan ang iyong pamilya at mga mahal sa buhay at gawing top choice ang Beautéderm Home upang mapabango ang iyong tahanan sa matamis na amoy ng tunay na pagmamahal.

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …