HINDI na nakawala makaraang bitbitin ng mga awtoridad ang isang mister na tinaguriang na listed bilang top 3 most wanted sa Navotas City matapos matimbog sa isinagawang manhunt operation ng pulisya, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Reynaldo Tagle, 54 anyos, residente ng Block 34B Lot 45 Phase 2 Area 2 Dagat Dagatan, North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod.
Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ang mga tauhan ng Navotas Police Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan ang akusado sa kanilang lugar.
Dakong 7:45 ng gabi, kaagad na binumo ng team ang WSS, kasama ang Intelligence Section sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Luis Rufo at Sub-Station 4 saka isinagawa ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa kanyang bahay.
Si Tagle na listed bilang top 3 most wanted sa lungsod ay dinakip ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest ni Hon. Carlos M. Flores, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 73, Malabon City, para sa kasong RAPE UNDER ART, 266 OF RA 7610 & VIOL. OF SEC. 5 (B) OF RA 7610.
Nakapiit ngayon ang akusado sa Navotas City Police habang hinihintay ang issuance ng Commitment Order. (Rommel Sales)