Saturday , November 16 2024
road accident

Kambal na kamalasan ang inabot
NAAKSIDENTENG RIDER TIMBOG SA BARIL AT GRANADA

ni Micka Bautista

Inabot ng kambal na kamalasan ng isang rider na naaksidente muna sa motorsiklo bago nahulihan ng baril at granada sa kanyang belt bag sa bayan ng Sta.Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 31 Mayo.

Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, Bulacan PPO provincial director, kinilala ang nadakip na suspek na si Marthy Cunanan.

Ayon sa ulat, rumesponde ang mga tauhan ng Sta. Maria MPS naganap na aksidente sangkot ang isang motorsiklo na kinasangkutan ng suspek sa Brgy. San Vicente, sa nabanggit na bayan.

Habang nagkakaroon ng imbestigasyon sa lugar ng insidente, napansin ng mga pulis na kakaiba ang kinikilos ng suspek na nagalusan sa kanyang katawan.

Dito na siniyasat ng mga awtoridad ang dalang belt bag ng suspek hanggang natuklasan nila sa loob niton ang isang kalibre .45 na baril na kargado ng pitong bala, at isang Granada.

Isinugod muna ng rescue team ng Sta. Maria ang suspek/biktima sa pinakamalapit na pagamutan para sa karampatang lunas habang inihahanda ng mga awtoridad ang pagsasampa sa kanya ng mga kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9516 alinsunod sa BP 881 (Omnibus Election Code).

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …