Friday , November 22 2024

Genuine history ituro sa paaralan – Briones

060122 Hataw Frontpage

HINIMOK ni Education Secretary Leonor Briones ang susunod na administrasyon na tiyaking maituturo nang wasto ang kasaysayan at mga aral nito sa mga paaralan.

“Hindi ako napapagod na ulit-ulitin na [mag] catch up tayo sa nangyayari sa mundo, ano nangyayari sa pinakabago, pinaka-exciting na development pero huwag natin kalimutan, kailangan itanim natin sa isip natin ‘yung ating kasaysayan, ‘yung hirap na dinanas din natin bilang isang bansa, ‘yung ating mga bayani,” sabi ni Briones sa panayam matapos ang Duterte Legacy Summit sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City kahapon.

Ito aniya ang pagkakaiba ng tao sa mga robot o makina.

“That makes us distinct from perhaps robots or machines,” dagdag ni Briones.

Si Briones ay isa sa mga naging biktima ng martial law na ipinatupad ng diktador na si Ferdinand Marcos, Sr.

Bukod sa pagpapatuloy ng programa sa edukasyon ng administrasyong Duterte, hinikayat din ni Briones ang incoming Marcos administration na siguruhing magkaroon ng libre at de-kalidad na edukasyon ang mga kabataang Pinoy.

“We are looking forward na magpatuloy ang mandato ng Konstitusyon natin sa Filipinas na each Filipino child has the right to quality education… Sana hindi natin sila ma-deprive nitong karapatan nila sa education,” mahalagang bilin ni Briones.

Si Vice President-elect Sara Duterte ang papalit kay Briones bilang kalihim ng DepEd.

Matatandaang umalma si Briones sa pagbaluktot sa kasaysayan ni noo’y Communications Assistant Secretary Mocha Uson na fake news ang EDSA People Power 1 Revolution na nagpabagsak sa rehimeng Marcos noong 1986. 

“I was there when the EDSA Revolution happened. It’s a national and global event that was a turning point in our country’s history. An opinion poll will not change the fact that EDSA Revolution happened and it is recorded in our country’s history,” sabi ni Briones sa isang tweet.

Noong Pebreo 2022, inihayag ng grupo ng fact-checkers na si Marcos Jr., ang nakikinabang sa mga kumakalalat na kasinungaligan o ‘falsehoods’ sa 2022 presidential elections campaign. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …