ni Rose Novenario
UMAASA ang Department of Education (DepEd) na siyento por siyentong maipatutupad ang face-to-face classes sa susunod na school year.
Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones,an implementasyon ng face-to-face classes ay depende sa lokal na pamahalaan at pagtaya ng Department of Health (DoH).
“Sa next academic school year, ini-expect natin a fully 100% na talaga ang pag-implement ng face-to-face, pero again, gusto ko lang i-emphasize na iyong modalities ng face-to-face ay magkaiba sa mga iba’t ibang sitwasyon ng mga eskwelahan at mga lugar at depende sa mga local governments at assessment ng Department of Health na sinusunod naman natin,” ani Briones sa Laging Handa public briefing kahapon.
Inihayag kamakailan ng DoH na malaki ang benepisyo ng face-to-face classes sa kabuuang kalusugan ng mga bata para ma-develop ang kanilang cognitive at social skills.
Giit ng DoH,malaki rin ang ambag nito sa physical at mental being ng mga bata, ayon sa mga pag-aaral.
Binigyan diin ni Briones na upang maiwasan ang paglaganap ng sakit, mas maiging magpabakuna laban sa COVID-19 ang mga guro, estudyante at mga kawani ng DepEd.