Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sid Lucero Kat Dovey Angeli Khang Rob Guinto

Sid ‘nasaktan’ anim na babae nagpasasa sa kanyang kahubdan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAIKUWENTO ni Sid Lucero na ang orgy scene ang pinakamahirap na ginawa niya sa bagong pelikulang handog ng Viva Films at Center Stage Productions na idinirehe ni Brillante Mendoza, ang Virgin Forest.

Ang Virgin Forest ni Brillante ang bagong version ng classic sex-drama Filipino film na ganito rin ang titulo at idinirehe ni Peque Gallaga. Ipinalabas ito noong 1985 na pinagbidahan nina Sarsi Emmanuelle at Miguel Rodriguez.

Sa totoo lang gandang-ganda kami nang makita ang trailer ng Virgin Forest at nakatawag pansin nga ang sinasabing orgy scene ni Sid paano’y anim na babae ang nagpasasa sa kanya habang nasa ilalim sila ng waterfalls.

“Honestly, it hurts. That’s the first thing you will realize, it’s painful. There’s nowhere to rest any part of your body. At the same time, there is something that the director wants to capture.

“The falls is so noisy, you don’t understand what’s happening because you can’t hear the direction.

“All of us, like three people, standing on a tiny rock because if you don’t stand there…it was not easy.

“As an actor naman, the only thing that was going on my head was that we’re all in this together. We’re all naked and whatever, respetuhan na lang,” paglalahad ni Sid.

Gaganap si Sid bilang photographer na makadidiskubre ng isang gubat na hindi lang puno ng mga mauusbong na halaman at puno, kundi pati na rin ng mga taong puno ng kasakiman at pagnanasa.

Si Francis (Sid), ay isang photojournalist na naatasang kumuha ng mga litrato ng isang bulaklak mula sa genus Rafflesia, may scientific name na Rafflesia Schandenbergiana.

Isa itong parasitic plant na tumutubo sa Bukidnon at mas kilala sa tawag na Bo-o para sa Bogobo tribe, at tinatawag namang Kolon-Busaw ng Higaonon tribe. At sa isang gubat, doon siya makadidiskubre hindi lang ng mga halaman, kundi pati na rin ng illegal logging operation at isang prostitution den.

Doon niya makikilala ang magkapatid na sina Angela (Katrina Dovey) at Karla (Angeli Khang) na parehong pinagtatrabaho bilang mga prostitute. Isusugal ni Francis ang trabaho at maging ang kanyang buhay upang mailigtas ang dalawang babae, bago maging huli ang lahat.

Samantala, maganda ang 2022 para sa award-winning Tirador at Kinatay director na si Brillante. Matapos ang PalitanSisid, at Bahay na Pula, pang-apat ang Virgin Forest sa kanyang mga idinirek na pelikula sa Vivamax at noong nakaraan lang ay ipinrodyus niya ang Kaliwaan at Pusoy,  bilang pagsuporta sa mga young filmmaker

Makakasama rin dito si Vince Rillon at iba pang baguhan at palabang sexy stars. Mapapanood na ito simula sa June 24 sa Vivamax. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …