Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jak Roberto Sanya Lopez

Sanya at Jak mga bayarin na sa bahay ang pinag-uusapan

RATED R
ni Rommel Gonzales

BIDA-BIDA kung ilarawan ni Jak Roberto ang kapatid na si Sanya Lopez nang kumustahin ito sa kanya.

Bida-bida minsan,” natatawang sabi ni Jak. “Kaya ko siya tinutuksong bida-bida kasi hindi nagpapatalo ‘yun kapag kami nagkukuwentuhan. ‘Hindi kuya, ganito-ganyan!’

“Tapos laging may ibinibida tungkol sa kanya,” at natawang muli si Jak. “Mga gadget  niya o kung ano ‘yung mga bagong discovery na matagal ko namang alam na, ikinukuwento pa. Kaya kapag ikinuwento sa akin, ‘Ah, bida-bida! Dati ganito lang, dati ganyan lang.’

“Inaasar ko siya ng ganoon. Pero ‘yung relationship namin sa bahay, in fairness parehas kaming naging matured na. Dati kumbaga pinag-uusapan lang namin ‘yung mga gusto namin na gadget, mga gusto naming bilhin, mga luho.

“Ngayon we’re ano na, more on koryente, tubig, groceries, mga babayarin sa bahay, mga due date, mga “Judith”, ‘yan ganoon na ‘yung usap namin.

“Kung mag-usap na rin kami kung paano namin isu-sustain ‘yung kung ano ‘yung mayroon kami ngayon, paano magiging stable, ano pa ‘yung mga dapat i-improve, ano pa ‘yung mga dapat gawin.

“So ganoon na kaming mag-usap, very ano na, adulting,” at tumawa si Jak.    

Kapwa abala sa showbiz career nila sina Jak at younger sister niyang Sanya sa GMA. Nagsimula na sa pag-ere ang Bolera nina Jak, Rayver Cruz, at Kylie Padilla samantalang patuloy na nangunguna sa ratings game ang First Lady ni Sanya at ni Gabby Concepcion.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …