Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

Sa 1 linggong SACLEO sa Bulacan…
P.79-M DROGA NASAMSAM, 382 LAW VIOLATORS TIMBOG

SA pagtatapos ng isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nakumpiska ang higit sa P797,000 halaga ng ilegal na droga habang nadakip ang 382 kataong lumabag sa batas hanggang nitong Linggo ng gabi, 29 Mayo.

Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Charlie Cabradilla, nakumpiska ang P797,764 halaga ng hinihinalang ilegal na droga sa mga serye ng  anti-illegal drug operations sa pinatibay na pagsisikap ng Station Drug Enforcement Unit ng mga police stations ng Bulacan, PMFC at PIU ng Bulacan PPO.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto sa 90 drug suspects at pagkakarekober ng 267 pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 94.80 gramo; 21 pakete ng tuyong dahon ng marijuana na tinatayang may may timbang na 1332.4 gramo; assorted drug paraphernalia; at buybust money.

Samantala, nasakote ang tatlong suspek sa search warrant opeations; 17 most wanted persons; at 98 na iba pa sa iba’t ibang  manhunt operations na ikinasa sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng tracker team ng mga police stations at  mobile force companies ng Bulacan PPO sa pakikipagtulungan ng 301st MC RMFB-3, Bulacan PHPT, 24th Special Action Company (SAF), 3rd SOU-Maritime Group, at CIDG Bulacan.

Gayundin, pinagdadampot ang 168 suspek sa isinagawang anti-illegal gambling operations matapos maaktuhan sa pagsusugal ng tong-its, pusoy, bet game, billiard games, cara y cruz, mah-jong, tupada at  STL bookies.

Sa ikinasa ring operasyon na “Oplan Katok,” nagbigay-daan ito sa 74 baril na isinuko sa iba’t ibang estasyon ng pulisya para sa nararapat na pag-iingat.

Arestado rin ang anim na suspek na nakumpiskahan ng may kabuuang walong baril kaugnay sa paglabag sa Omnibus Election Code at paglabag sa ilegal na pagmamay-ari at pag-iingat ng hindi mga nakarehistrong baril habang kabuuang 2,044 na hindi nakarehistrong mga motorsiklo ang na-impound para sa beripikasyon. (Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …