Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
jeepney

Nataranta sa tumirik na jeep babae tumalon, patay

BINAWIAN ng buhay ang isang babaeng tumalon mula sa sinasakyang jeep nang nataranta dahil sa pagtirik nito sa daan sa bayan ng San Guillermo, lalawigan ng Isabela, nitong Linggo, 29 Mayo.

Batay sa imbestigasyon ng San Guillermo MPS, kinilala ang biktimang si Josie Ordenas, 51 anyos, na namatay dahil sa pinsala sa kanyang ulo.

Papunta sanang sentro ng bayan ang jeep na may kargang mais at siyam na pasahero nang bigla itong tumirik sa pataas na bahagi ng kalsada dahil naubusan ng gasolina.

Nabatid na nataranta ang mga sakay na pasahero nang umatras ito dahilan para magtalunan sila palabas ng jeep.

Nagalusan ang ilang mga pasahero na agad ding nalapatan ng lunas subalit minalas ang si Ordenas na napuruhan sa ulo na agad niyang ikinasawi. (Micka Bautista)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …