Sunday , April 13 2025
road accident

Driver, sugatan…
MACHINE OPERATOR, TODAS SA TRAILER TRUCK

PATAY ang isang 51-anyos na back-rider habang sugatan naman ang nagmamaneho ng kanilang motorsiklo matapos mabangga ng isang trailer truck sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang biktimamng kinilalang si Ariel Macaraeg, machine operator at residente ng #44 Prelaya St. Brgy. Tugatog sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan.

Patuloy namanang inoobserbahan sa  Valenzuela Medical Center (VMC) ang  driver ng Rusi motorcycle  (212QZR ) na kinilang  si Jonas Adelino, 55 anyos, kapitbahay ng biktima  sanhi ng tinamong mga sugat sa katawan.

Batay sa ulat ni P/SSgt. Baltazar Gallangi, traffic police investigator kay Malabon police chief P/Col Albert Barot, akong 11:50 ng gabi, tinatahak ng mga biktima ang kahabaan ng M.H. Del Pilar St. patungong Brgy. Maysilo.

Dito biglang binangga  ang likuran ng kanilang motorsiklo ng isang trailer truck (THQ450) na minamaneho ni John Mark Degino, 23 anyos  na residente ng Mabolo St. Brgy. Maysilo.

Sa lakas ng impact, tumilapon si Macaraeg hanggang sa magulungan ng trailer truck na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan habang isinugod naman si Adelino sa naturang pagamutan.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injury and damage to property ang isinampa ng pulisya laban sa trailer truck driver sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Rommel Sales)

About Rommel Sales

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …