Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

Dating nakulong sa kasong murder, huli sa patalim at maryjane sa vale

BALIK -kulungan ang isang kelot na dating nakulong dahil sa kasong murder matapos makuhanan ng patalim at marijuana makaraang masita ng mga pulis dahil sa hindi pagsuot ng face mask sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon

Kinilala ni Valenzuela  City Police Sub-Station 6 commander PLT Armando De Lima ang  suspek na si Arjon Lantayao, 23 anyos at residente ng Bancal, Meycauyan Bulacan.

Batay sa ulat ni PCpl Glen De Chavez, dakong 5:40 ng hapon, nagsasagawa ng anti-criminality operation “Oplan Galugad” si PSMS Roberto Santillan ng PSB, Malanday SS-6, kasama ang mga tanod ng Brgy. Malanday sa Riverside ng naturang barangay nang mapansin nila ang suspek na naglalakad at walang suot na face mask na malinaw na paglabag sa ordinansa ng lungsod.

Nang sitahin ni PSMS Santillan para isyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) ay kumaripas ng takbo ang suspek na naging dahilan upang habulin siya ng arresting officer at mga tanod hanggang sa makorner at maaresto.

Nang kapkapan, narekober kay Lantayao ang isang patalim at dalawang glass tube na may laman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana kung ayon kay PSMS Santillan, dating nakulong ang suspek dahil sa kasong murder.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa  RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, BP No. 6 in Relation to Comelec Resolution No. 10728 and ART 151 of RPC. (Rommel Sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …