Tuesday , May 6 2025
Conor McGregor

Conor McGregor babalik sa Octagon

SINABI ni Conor McGregor na nakahanda siyang lumaban muli, na ang kasaysayan niya sa UFC ay hindi pa natatapos.

Isa rin sa plano niya ang bumalik  sa boxing ring.  Matatandaan na natalo siya kay Floyd Mayweather nung 2017 via  technical knockout sa 10th round.   

Ayon sa kanya, ang kanyang pangangatawan ay nasa hustong kondisyon habang nagpeprepara siya sa kanyang pagbabalik sa octagon sa kauna-unahang pagkakataon pagkaraang mabali ang kanyang binti noong July 2021.

Sa panayam sa kanya ng Sky Sports habang masayang nanonood ng Monaco Gran Prix, sinabi ni Conor McGregor na mabilis ang paggaling niya sa tinamong injury at naghahanda na siya sa pagbabalik niya sa UFC.

Ayon kay Conor McGregor,  ang kasaysayan niya sa UFC ay  ” far from over” – at nabanggit din niya ang posible niyang pagbabalik sa ring sa tamang pagkakataon.

Hindi pa muling nakalaban sa octagon si McGregor pagkaraang mabali ang kanyang binti sa simula pa lang ng trilogy fight nila ni Dustin Poirier nung July 2021.

“Boxing is my first love in combat sports. I had such a great time the last time I was out there,”  pahayag ni McGregor.

“Obviously, my return will be in the octagon for UFC – that story is far from over, in fact it’s just being written, it is just the beginning.

“But, boxing, for sure I will grace the squared circle again in the future.

About hataw tabloid

Check Also

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Japan namayani sa NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Japan namayani sa NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

 OLONGAPO CITY, Zambales – Namayani ang mga atletang Hapones sa elite division ng 2025 Subic …

PSAA Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

KABUUANG 10 koponan sa pangunguna ng Philippine Christian University -Manila ang sasalang sa opisyal na …

LA Cañizares Tao Yee Tan Padel Pilipinas

Padel Pilipinas, Kampeon sa Pro Mix ng APPT Kuala Lumpur Open

NAGPAMALAS ng husay ang ating mga atleta matapos masungkit nina LA Cañizares at Tao Yee …