Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Adrianna So PaThirsty

Adrianna So full blown na ang pagde-daring

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni Adrianna So na nagpaka-daring at marami siyang ginawang hindi niya nagagawa noon sa bago nilang pelikula ni Kych Minemoto, ang PaThirsty ng Idea First Company. Sina Adrianna at Kych ay nakilala sa isang hit web series. 

“It’s my first time to do a full-blown intimate scene and yeah, I’m thankful nga na partner ko si Alex (Castro) kasi sobrang marunong siyang mag-alaga ng co-star and he knows how to ask my boundaries and of course, my consent sa mga scene,” sambit ni Adrianna sa PaThirsty mediacon na ginawa sa Botejyu SM North Towers.

“Lahat ng ginawa ko rito, first time ko lang talagang ginawa. Ganoon siya ka-sexy,” sambit pa ni Adrianna na gumaganap bilang Pearl (Adrianna) na broken-hearted dahil sa isang failed relationships sa series.

Hindi rin itinanggi ni Adrianna na challenging ang lahat ng ginawa niyang pagpapa-sexy. 

Mabuti na lang inalaagan kami ni direk Ivan. Sa shots, sa lahat, kung saan ‘yung comfort zone namin. Sobrang sayang gawin talaga nitong pelikula kaya sana mag-translate rin sa audienc kung gaano ito kasaya,” giit pa ni Adrianna.

Ang PaThirsty ay isang sex-comedy mula sa same universe ng hit BL franchise na Gameboys. Kuwento ito ng mag-besties na parehong broken-hearted dahil sa kanilang failed relationships. 

Bukod kina Adrianna at Kych, co-starring din sa pelikula si Alex Diaz, isa sa mga hinahangaan at most desired young actors ngayong panahon. Mula sa director ng Game BoysIvan Payawal, ipakikita ng Pathirsty ang modern ways ng pag-ibig.

Also starring Chad Kinis, Bob Jbeili, Kate Alejandrino, abangan ang isang Vivamax Original Movie, na hindi ka lang patatawanin, kundi kikiliti rin sa ‘yong imahinasyon. Maging isa sa unang makakanood ng Pathirsty sa Vivamax Plus ngayong June 1, 2022 at available naman sa Vivamax ngayong June 29, 2022.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …