Sunday , December 22 2024
gun QC

2 drug suspect todas sa QC shootout

Patay ang dalawang hinihinalang drug suspect matapos na makipagbarilan sa mga awtoridad sa isinagawang buy-operation sa Brgy. UP Campus, Diliman, Quezon City, nitong Lunes ng hapon.

Ayon kay QCPD Director, PBrig. Gen. Remus Medina, ang mga supek na napatay ay nakilala lamang sa alias Uncle/Angkol, nakasuot ng black shirt at black short pants habang ang kasama niya ay nakasuot naman black shirt na may print old navy sa harapan at denim maong pants, at kapwa armado ng cal 45 pistol.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 3:45 ng hapon (May 30), nang maganap ang engkwentro sa kahabaan ng Pook Arboretum Road, Brgy. UP Campus, Diliman, Quezon City

Batay sa report ni PCpl Granger Gacusana, nagsagawa ang District Drug Enforcement Unit

(DDEU-QCPD) sa pangunguna ni PLt. Roland A Vergara kasama ang pito pang pulis ng Anti-Illegal Drug buy-bust operation sa nasabing lugar.

Habang isinagawa ang buy-bust ay natunugan ng mga supek na pulis ang kanilang ka-transaksiyon kaya agad na bumunot ang mga ito ng baril at nagpaputok habang papatakas.

Agad namang humabol ang mga awtoridad habang nakikipagpalitan ng putok ng baril laban sa mga suspek.

Pero pagdating sa UP Campus, Diliman, ay tumigil ang sinasakyang black Honda CRV at doon ay natagpuang kapwa duguan ang mga suspek.

Naisugod pa sa East Avenue Medical Center ang mga suspek pero idineklara na silang dead on arrival.

Bukod sa armas, ay nakasamsam rin ng 10 kilo ng hinihinalang shabu sa loob ng sasakyan ng mga suspek.

Nabatid na agad ring nagtungo sa pinangyarihan ng engkwentro si Philippine National Police (PNP) OIC Lt. Gen. Vicente Danao upang alamin ang pangyayari. (Almar Danguilan)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …