Tuesday , December 24 2024

STL sa QC kuwestiyonable

053022 Hataw Frontpage

KINUKUWESTIYON ng Quezon City Advocates for Responsible Entertainment, Sports, Gaming & Wellness (QCARES) at Globaltech Mobile Online Corporation ang legalidad ng kasalukuyang operasyon ng STL sa lungsod ng Quezon.

Ayon sa mapagkakatiwalaang impormasyon, ang STL operator ng lungsod ay dummy lamang.

Anila, ang operator nito ay lumagda ng kasunduan sa isang personalidad na siyang totoong nag-o-operate nito kapalit ang umano’y halaga para sa paggamit ng lisensiya na iginawad ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Binigyang diin ng QCARES, batay sa umiiral na Revised Implementing Rules and Regulations (RIRR) ng PCSO, ipinagbabawal sa mga license holder ang subcontracting, maging sa winning bidder.

Ang paglabag ay pangunahing dahilan upang mapawalang bisa ang lisensiya ng isang operator.

Nagpahayag ng pagkabahala ang Globaltech matapos sumingaw na fixed bidding umano ang posibleng naganap sa proseso ng pagkakaloob ng pribilehiyo para sa operasyon ng STL.

Bukod dito, tinukoy rin ng magkabilang kampo na lumutang ang impormasyon kamakailan na umano’y ilang buwan nang hindi nakababayad nang buo sa kanilang obligasyon sa PCSO ang operator ng STL sa kabila ng patuloy na operasyon nito sa Quezon City.

“Nagtataka kami kung bakit hindi pa ipinapahinto ng PCSO ang operasyon ng STL sa aming lugar kung totoo ngang hindi sila tumalima sa kanilang obligasyon sa pamahalaan,” pahayag ng isang barangay chairman mula sa ikalawang distrito na nakiusap ‘wag pangalanan.

Palaisipan umano sa kanila ang impormasyon na kamag-anak ni PCSO General Manager Royina Garma ang STL operator kaya ganoon kalakas, bagay na mariing ipinagbabawal ng batas.

Samantala, nanawagan din ang mga barangay chairman sa lungsod na tutukan at aksiyonan ng mga kinauukulan ang ilegal na sugal.

Matatandaan, kamakailan ay pumutok ang impormasyon na paggamit umano na front ng mga illegal gambling operators at ng kanilang mga kobrador na umiikot at nagpapataya sa bawat barangay ng inisyung ID sa kanila para sa operasyon ng STL sa lungsod.

Dahil dito, hindi makakakilos ang mga operatiba ng PNP Anti-Illegal Gambling Task Force sapagkat bukod sa ID, may pauniporme rin ang mga nangangasiwa ng ilegal na sugal na nagtatago sa STL.

Nagpapatuloy umano ang malawakang operasyon ng ilegal na sugal sa lungsod sa kabila ng mahigpit na kampanya na isinasagawa ng Quezon City Police District (QCPD), batay sa kautusan ni QCPD District Director Remus B. Medina.

“Hindi talaga masusugpo ang ilegal na sugal, kasi kahit anong gawing ikot ng mga pulis dito sa barangay namin, wala silang mahuhuli kasi iisipin nilang legal ang galawan ng mga nagpapataya dito,” dagdag ng isa sa mga residente sa ikalawang distrito kung saan nagaganap ang ilegal na sugal. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …