Tuesday , April 29 2025
marijuana

1.2 kilong ‘damo’ nasabat 2 tulak, 5 iba pa nakalawit

Nasakote ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa  isinagawang operasyon sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Biyernes, 27 Mayo.

Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, nagsagawa ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Malolos CPS ng anti-drug bust sa Brgy. Sto. Cristo, sa nabanggit na lungsod dakong 12:35 ng madaling araw noong Biyernes na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang suspek.

Kinilala ang mga suspek na sina Gerardo Padawan alyas Jerry at Minerva Tamayo alyas Minie, kapwa mga residente ng Brgy. Sto. Rosario, sa lungsod, na naaktuhang magkasabwat sa pagbebenta ng ipinagbabawal na droga.

Nakumpiska mula sa dalawa ang 11 pakete at isang isang bloke ng tuyong dahon ng marijuana na may timbang na humigit-kumulang sa  1,200 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P144,000.

Kaalinsabay nito, nadakip rin ang lima pang personalidad sa droga sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations ng SDEU ng mga police stations ng Balagtas, Marilao, at Pandi.

Kinilala ang mga suspek na sina Fidel Cayco alyas Pate; Monte Carlo Remolano alyas Chet; Ric Orjaleza; Michael Avien Dela Cruz; at Mark Aaron Interior.

Nakumpiska mula sa kanila na gagamiting ebidensiyang kabuuang 15 pakete ng hinihinalang shabu, dalawang pakete ng tuyong dahon ng marijuana, coin purse, at buybust money.  (Micka Bautista)

About Micka Bautista

Check Also

Leninsky Bacud ABP Partylist

ABP Partylist nominee inambus sa harap ng bahay

PATAY ang 2nd nominee ng Ang Bumbero Partylist (ABP) matapos pagbabarilin ng riding in tandem …

042925 Hataw Frontpage

FPJ PANDAY BAYANIHAN PARTYLIST PATULOY NA UMAANGAT SA SURVEY
Suporta ng mamamayan lalong lumalakas

HATAW News Team ANG Social Weather Stations (SWS) Survey ng Abril 2025 ay naglagay sa …

Ramil Ventenilla Michael Mon Rosette Punzal Kenaz Bautista

Isinangkot sa mga kaso ng katiwalian
Mangatarem Mayor, VM, at municipal accountant  inireklamo sa Ombudsman

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso sa Tanggapan ng Ombudsman sina Mangatarem, Pangasinan Mayor Ramil Ventenilla, …

Reelection bid ni Mayor Honey inendorso ng CTAP

Reelection bid ni Mayor Honey  inendorso ng CTAP

INENDORSO ng  Confederation of Truckers Association of the Philippines, Inc. (CTAP) na binubuo ng libo-libong  …

TRABAHO Partylist 106

TRABAHO Partylist, isinusulong ang karapatan ng manggagawa sa pagsalubong ng Labor Day 2025

Sa paglapit ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Mayo 1, muling iginiit ng TRABAHO …