Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lolit Solis Angeline Quinto Nonrev Daquina

Lolit Solis binasag ilusyong pag-aartista ng live-in partner ni Angeline  

MA at PA
ni Rommel Placente

SA pamamagitan ng kanyang Instagram account ay nagbigay ng reaksiyon si Lolit Solis tungkol sa plano ng live-in partner ni Angeline Quinto na si Nonrev Daquina na planong pasukin ang showbiz.

Para kay Manay Lolit na may authority sa pagkilatis ng mga may karapatang mag-artista, ay ‘it’s a NO-NO’ para sa kanya.

Sabi ni Lolit, “Parang tumayo ang balahibo ko nang mabasa ko na gusto daw ni Angeline Quinto na mag artista iyong non-showbiz father ng kanyang naging anak.

“Sa nabasa ko na mga nasulat, may 3 ng anak sa 2 pang ibang babae iyong BF ni Angeline. Naanakan niya si Angeline Quinto, at ngayon may pangarap siyang pumasok ng showbiz.

“Bongga di ba! Parang ganuon kadali lang puwede na siyang maging celebrity? Parang nagka-anak ka sa 3babae, puwede ka ng matinee idol?” 

Payo rin ni Manay na sana’y mag-reality check muna ang ama ng anak ni Angeline bago nito ituloy ang balak.

“Feeling pogi at yummy dahil may mga babae na nagpaanak sa kanya? Iyan ilusyon dapat may realidad din. Check mo muna sa salamin o ikaw mismo sa sarili mo kung babagay ka ba sa mundo na papasukin mo.

“Porke pinatulan ka at nagpaanak ang isang Angeline Quinto, pang showbiz ka na? Puwede ka ng artista? Naku, dapat siguro magkaruon ng reality check pati si Angeline para naman iyon ulap sa mga mata nila mawala.

“Nagkaanak na sa 2 magkaibang babae, pumayag kang anakan ka, tapos ngayon bibigyan mo ng ilusyon maging showbiz. Naku, sana na lang ang isipin mo ang magiging kinabukasan ng iyong anak Angeline, huwag mo ng pasukin ang trabaho ng pagiging talent scout.

“Baka maghanap lang ng iba pang babae na aanakan iyan BF mo sa showbiz kaya gusto pumasok, stop , look, listen ka muna. Ayaw ni Gorgy at Salve, kalokah!” ang pahayag pa ni Manay Lolit.

Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Angeline at ni Nonrev sa  naging pahayag na ito ni Manay Lolit?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …