ni Ed de Leon
INAMIN ng isang kilalang model at social media influencer na “inareglo” umano siya sa isang gay male star, kapalit ng ginawa niyang endorsement ng isang kandidato. Totoo palang “volunteer” lang at hindi binayaran ang male star endorser, pero bilang kapalit, dalawang ulit niyang naka-date ang social media influencer na kasing edad lang ng anak niya.
Isang date lang daw dapat, sabi ng social media influencer, pero kinausap siya ulit ng contact the second time dahil nag-enjoy daw ang male star. Ginawa pala siyang talent fee sa political endorsement.